-
Ang Kapangyarihan ng PanalanginAng Bantayan—2000 | Marso 1
-
-
NANINIWALA si Eliezer sa kapangyarihan ng panalangin. Taglay ang pambihira at tulad-batang pananampalataya, may kapakumbabaan siyang humiling nang ganito: “Jehova na Diyos ng aking panginoong si Abraham, pakisuyo, pangyarihin mong maganap ito sa harap ko sa araw na ito at magpakita ka ng maibiging-kabaitan sa aking panginoong si Abraham. Narito, nakatayo ako sa tabi ng isang bukal ng tubig, at ang mga anak na babae ng mga lalaki ng lunsod ay lumalabas upang sumalok ng tubig. Mangyari nga na ang kabataang babae na sasabihan ko, ‘Pakisuyo, ibaba mo ang iyong bangang pantubig upang ako ay makainom,’ at siyang magsasabi nga, ‘Uminom ka, at paiinumin ko rin ang iyong mga kamelyo,’ siya ang italaga mo sa iyong lingkod, kay Isaac; at sa ganito mo ipaalam sa akin na nagpakita ka ng matapat na pag-ibig sa aking panginoon.”—Genesis 24:12-14.
-
-
Ang Kapangyarihan ng PanalanginAng Bantayan—2000 | Marso 1
-
-
Marami tayong matututuhan sa panalangin ni Eliezer. Ipinakita nito ang kaniyang pambihirang pananampalataya, kapakumbabaan, at walang-imbot na pagmamalasakit sa mga pangangailangan ng iba. Ipinakita rin ng panalangin ni Eliezer ang kaniyang pagpapasakop sa paraan ng pakikitungo ni Jehova sa sangkatauhan. Walang alinlangan na batid niya ang pantanging paggiliw ng Diyos kay Abraham at ang Kaniyang pangako na sa pamamagitan ni Abraham ay makakamtan ng buong sangkatauhan ang mga pagpapala sa hinaharap. (Genesis 12:3) Kaya naman pinasimulan ni Eliezer ang kaniyang panalangin sa mga salitang: “Jehova na Diyos ng aking panginoong si Abraham.”
-