Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Handa Akong Sumama”
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2016 | Blg. 3
    • Isang gabi, pagkatapos mapunô ni Rebeka ang kaniyang banga, isang matandang lalaki ang tumatakbo upang salubungin siya. Sinabi nito sa kaniya: “Pakisuyo, pahigupin mo ako ng kaunting tubig mula sa iyong banga.” Napakaliit na kahilingan nito at napakagalang nang pagkakasabi! Napansin ni Rebeka na malayo ang nilakbay ng lalaki. Kaya agad niyang ibinaba ang banga, hindi lang niya basta pinahigop ang lalaki, kundi talagang pinainom ng sariwa at malamig na tubig. Napansin niya na ang caravan nito ay may 10 kamelyo na nakaluhod sa labangan pero wala itong tubig. Nakita niyang pinagmamasdan siyang mabuti ng matandang lalaki, at gusto ni Rebeka na maging bukas-palad. Kaya sinabi niya: “Ang iyong mga kamelyo rin ay isasalok ko ng tubig hanggang sa matapos silang uminom.”—Genesis 24:17-19.

      Pansinin na hindi basta nag-alok si Rebeka na bigyan ng maiinom ang 10 kamelyo kundi painumin sila hanggang sa masiyahan ang mga ito. Kapag uhaw na uhaw ang isang kamelyo, kaya nitong uminom nang mahigit 95 litro ng tubig! Kung gayon kauhaw ang 10 kamelyo, tiyak na ilang oras ding sumalok ng tubig si Rebeka. Pero malamang na hindi naman uhaw na uhaw ang mga kamelyo.a Alam kaya iyon ni Rebeka nang alukin niyang painumin ang mga kamelyo? Hindi. Gustong-gusto niyang gawin ito kahit nakapapagod, makapagpakita lang ng pagiging mapagpatuloy sa matandang estrangherong ito. Tinanggap ng lalaki ang alok niya. Pagkatapos ay pinagmasdan siya ng lalaki habang tumatakbo siyang paroo’t parito, paulit-ulit na pinupuno ang banga at ibinubuhos ang laman sa labangan.—Genesis 24:20, 21.

      Si Rebeka na pinaiinom ng tubig ang mga kamelyo ng lingkod ni Abraham

      Masipag at mapagpatuloy si Rebeka

  • “Handa Akong Sumama”
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2016 | Blg. 3
    • a Gabi na noon. Walang sinasabi ang ulat na nagtagal ng ilang oras si Rebeka sa balon. Hindi nito ipinahihiwatig na tulóg na ang pamilya niya nang matapos siya o na may pumunta sa balon para alamin kung bakit siya nagtatagal.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share