Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Handa Akong Sumama”
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2016 | Blg. 3
    • Pansinin na hindi basta nag-alok si Rebeka na bigyan ng maiinom ang 10 kamelyo kundi painumin sila hanggang sa masiyahan ang mga ito. Kapag uhaw na uhaw ang isang kamelyo, kaya nitong uminom nang mahigit 95 litro ng tubig! Kung gayon kauhaw ang 10 kamelyo, tiyak na ilang oras ding sumalok ng tubig si Rebeka. Pero malamang na hindi naman uhaw na uhaw ang mga kamelyo.a Alam kaya iyon ni Rebeka nang alukin niyang painumin ang mga kamelyo? Hindi. Gustong-gusto niyang gawin ito kahit nakapapagod, makapagpakita lang ng pagiging mapagpatuloy sa matandang estrangherong ito. Tinanggap ng lalaki ang alok niya. Pagkatapos ay pinagmasdan siya ng lalaki habang tumatakbo siyang paroo’t parito, paulit-ulit na pinupuno ang banga at ibinubuhos ang laman sa labangan.—Genesis 24:20, 21.

      Si Rebeka na pinaiinom ng tubig ang mga kamelyo ng lingkod ni Abraham

      Masipag at mapagpatuloy si Rebeka

  • “Handa Akong Sumama”
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2016 | Blg. 3
    • Tiyak na napansin ni Rebeka na pinagmamasdan siya ng matandang lalaki. Wala namang masama sa tingin nito; labis lang itong nagtataka, humahanga, at natutuwa. Nang matapos na si Rebeka, binigyan siya ng mga regalo—mamahaling alahas! Saka nagtanong ang lalaki: “Kanino kang anak? Sabihin mo sa akin, pakisuyo. Mayroon bang anumang dako sa bahay ng iyong ama upang pagpalipasan namin ng gabi?” Nang sabihin ni Rebeka ang tungkol sa kaniyang pamilya, lalong natuwa ang lalaki. Marahil dahil sa katuwaan, nasabi pa ni Rebeka: “Kapuwa may dayami at saganang kumpay sa amin, gayundin ang isang dako upang pagpalipasan ng gabi”—isang magandang alok, yamang may mga kasama pa ang matandang lalaki. Agad tumakbo si Rebeka para ikuwento sa kaniyang ina ang nangyari.—Genesis 24:22-28, 32.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share