Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isang Pag-aasawa na Pinakikinabangan ng Milyun-milyong Nabubuhay Ngayon
    Ang Bantayan—1989 | Hulyo 1
    • 14. (a) Sino ang mga kasama ni Rebeka? (b) Anong uri ng paglalakbay ang kanilang naranasan?

      14 Si Rebeka ay may mga kasama sa kaniyang paglalakbay. Gaya ng paliwanag ng ulat: “Tumindig si Rebeka at ang kaniyang mga abay at sila’y sumakay sa mga kamelyo.” (Genesis 24:61) Kaya’t ang may sakay na mga kamelyo ay nagsimula ng isang mapanganib na paglalakbay sa layong mahigit na 800 kilometro sa banyagang teritoryo. “Ang katamtamang bilis ng mga kamelyong may lulan,” ang sabi ng aklat na The Living World of Animals, “ay humigit-kumulang 4 na k[ilometro] p[or] o[ra].” Kung ganiyan kabilis maglakbay ang mga kamelyo ni Abraham sa loob ng walong oras isang araw, gugugol ng mahigit na 25 araw bago marating ang kanilang pupuntahan sa Negeb.

      15. (a) Anong magandang halimbawa ang makikita natin kay Eliezer, Rebeka, at sa kaniyang mga abay? (b) Sa ano lumalarawan ang ulat?

      15 Si Eliezer, si Rebeka, at ang kaniyang mga abay ay lubusang tumiwala sa patnubay ni Jehova, isang magandang halimbawa para sa mga Kristiyano ngayon! (Kawikaan 3:5, 6) Bukod dito, ang ulat ay isang nagpapalakas-pananampalatayang hulang dula. Gaya ng nakita na natin, si Abraham ay lumalarawan sa Diyos na Jehova, na naghandog ng kaniyang sinisintang Anak, ang Lalong-dakilang Isaac, upang ang makasalanang mga tao’y magtamo ng buhay na walang-hanggan. (Juan 3:16) Ang paghahanda para sa pag-aasawa ni Isaac ay ginanap makalipas ang kaunting panahon pagkatapos na siya’y iligtas sa kamatayan sa dambana ng hain. Ito ay lumalarawan sa paghahanda para sa makalangit na kasalan, anupa’t ang paghahanda ay nagsimula nang puspusan pagkatapos na buhaying-muli si Jesus.

  • Isang Pag-aasawa na Pinakikinabangan ng Milyun-milyong Nabubuhay Ngayon
    Ang Bantayan—1989 | Hulyo 1
    • 16. Papaano, sa angkop na paraan, lumalarawan ang utusan ni Abraham sa banal na espiritu ng Diyos? (b) Anong tanong ang maihaharap tungkol sa espiritu at sa nobya?

      16 Ang pangalang Eliezer ay nangangahulugang “Ang Diyos Ko’y Tumutulong.” Sa pangalan at sa gawa, siya’y angkop na lumalarawan sa banal na espiritu ng Lalong-dakilang Abraham, ang Diyos na Jehova, na Kaniyang sinugo sa malayong lupaing ito, ang ating mundo, upang pumili ng isang karapatdapat na nobya para sa Lalong-dakilang Isaac, si Jesu-Kristo. (Juan 14:26; 15:26) Ang uring nobya ay “ang kongregasyon,” na binubuo ng mga alagad ni Jesus na inianak ng banal na espiritu bilang espirituwal na mga anak ng Diyos. (Efeso 5:25-27; Roma 8:15-17) Kung papaanong si Rebeka’y tumanggap ng mamahaling mga regalo, gayundin ang mga unang miyembro ng kongregasyong Kristiyano noong araw ng Pentecostes 33 C.E. ay tumanggap ng kahima-himalang mga kaloob bilang katunayan ng banal na pagkatawag sa kanila. (Gawa 2:1-4) Tulad ni Rebeka, kusang iniwanan na nila ang lahat ng makasanlibutan at makalamang kaugnayan upang sa wakas ay makaisa ng kanilang makalangit na Nobyo. Buhat sa panahon na ang indibiduwal na mga miyembro ng uring nobya ay tawagin hanggang sa kanilang kamatayan, kailangang pakaingatan nila ang kanilang espirituwal na pagkadalaga samantalang naglalakbay sa mapanganib, na nakatutuksong sanlibutan ni Satanas. (Juan 15:18, 19; 2 Corinto 11:3; Santiago 4:4) Puspos ng banal na espiritu, ang uring nobya ay buong katapatang nag-aanyaya sa mga iba pa upang makibahagi sa mga paglalaan ni Jehova ukol sa kaligtasan. (Apocalipsis 22:17) Iyo bang tinutularan ang kaniyang halimbawa sa pamamagitan ng pagtugon din sa patnubay ng espiritu?

      17. (a) Ano ba ang inilalarawan ng sampung kamelyo? (b) Ano ang dapat nating maging saloobin tungkol sa Bibliya at tungkol sa salig-Bibliyang mga lathalain na inihanda ng uring nobya? (Gawa 17:11)

      17 Ang uring nobya ay lubhang nagpapahalaga sa inilalarawan ng sampung kamelyo. Ang bilang na sampu ay ginagamit sa Bibliya upang tumukoy sa kasakdalan o pagkakompleto may kaugnayan sa mga bagay sa lupa. Ang sampung kamelyo ay maihahalintulad sa kompleto at sakdal na Salita ng Diyos, na sa pamamagitan nito ang uring nobya ay tumatanggap ng espirituwal na pagkain at espirituwal na mga kaloob. (Juan 17:17; Efeso 1:13, 14; 1 Juan 2:5) Sa komento tungkol sa pagpapainom ni Rebeka sa mga kamelyo, ganito ikinapit iyon sa uring nobya ng The Watchtower ng Nobyembre 1, 1948: “Kanilang mapagmahal na isinasaalang-alang ang Salita ng Diyos na nagtataglay ng saganang espiritu niya sa kanila. Sila’y interesado sa kaniyang nasusulat na Salita, isinisilbi ito at pinapananariwa ito sa pamamagitan ng pag-aasikaso nito at pagpapakita ng taimtim na pagmamalasakit sa taglay na mensahe at layunin nito, hinahangad nilang paniwalaan ito.” Bilang halimbawa nito, ang nalabi ng uring nobya ay mapagmahal na nagsikap maihanda para pakinabangan ng angaw-angaw ang bagong-kaalinsabay-ng-panahong New World Translation of the Holy Scriptures. Mayroon man o wala nitong mainam na saling ito sa inyong wika, ikaw ba’y nagpapakita ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng palagiang pagsusuri sa Bibliya sa tulong ng mga aralang lathalain na inilaan ng uring nobya?​—2 Timoteo 3:16.

      Malapit Na ang Kasal ng Kordero

      18. Bakit ang mga abay ni Rebeka ay angkop na lumalarawan sa mga kasamahan ng nobya sa ngayon?

      18 Sa mga huling araw na ito ng sanlibutan ni Satanas, ang nalabi ng uring kasintahan ay may kasamang “isang malaking pulutong,” na maihahambing sa “mga abay na dalaga” ni Rebeka. Tulad sa kaso ni Rebeka, ang mga ito ay makapupong marami kaysa kumpletong uring nobya na binubuo ng 144,000. Sila ang “malaking pulutong” ng “mga ibang tupa” ni Jesu-Kristo. (Apocalipsis 7:4, 9; Juan 10:16) Bilang tapat na mga abay ng nobya, sila man ay kailangang walang bahid-dungis ng balakyot na sanlibutan ni Satanas. Sila man ay kailangang tumugon sa mga pag-akay ng espiritu ni Jehova at ng kaniyang Salita ayon sa paliwanag sa kanila ng uring nobya. Subalit ang gantimpalang ibibigay sa kanila ay naiiba. Kung sila’y magtitiis na tapat ng pag-alalay sa nobya ni Kristo, sila’y makaliligtas sa katapusan ng sanlibutan ni Satanas at magtatamo ng kahanga-hangang pagkakataon na mabuhay magpakailanman sa isang makalupang paraiso.​—Apocalipsis 21:3, 4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share