ALON-BAKUT
[Dambuhalang Punungkahoy ng Pagtangis].
Isang dambuhalang punungkahoy sa paanan ng Bethel, sa ibaba ng burol na sakop ng lunsod. Pinanganlan ito nang gayon dahil sa ilalim nito inilibing ni Jacob “si Debora na yayang babae ni Rebeka.”—Gen 35:8; tingnan ang MALAKING PUNUNGKAHOY, DAMBUHALANG PUNUNGKAHOY.