Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Paano Ko Magagawa ang Malaking Kasamaang Ito?”
    Ang Bantayan—2014 | Nobyembre 1
    • Sa kaso ni Jose, malaki ang naging kapalit nito. Gustong maghiganti ng asawa ni Potipar. Nagsisigaw siya at tinawag ang iba pang tagapaglingkod. Sinabi niya na pinagtangkaan siyang halayin ni Jose at tumakbo ito nang sumigaw siya. Itinago niya ang kasuutan ni Jose bilang katibayan at hinintay na makauwi ang asawa niya. Pagdating ni Potipar, gayunding kasinungalingan ang sinabi niya, na ipinahihiwatig pa nga na kasalanan ito ng asawa niya dahil dinala nito ang banyaga sa bahay nila. Ano ang reaksiyon ni Potipar? Mababasa natin: “Ang kaniyang galit ay lumagablab”! Ipinakulong niya si Jose.—Genesis 39:13-20.

      MAY “MGA PANGAW ANG KANIYANG MGA PAA”

      Kaunti lang ang nalalaman natin tungkol sa mga bilangguan sa Ehipto noon. Natuklasan ng mga arkeologo ang mga guho ng gayong mga lugar—malalaking gusali na may mga selda at mga kulungan sa ilalim ng lupa. Nang maglaon, inilarawan ni Jose ang lugar na iyon sa isang salitang literal na nangangahulugang “hukay,” isang lugar na madilim at walang pag-asa. (Genesis 40:15, talababa sa New World Translation of the Holy Scriptures—With References) Sa aklat ng Mga Awit, mababasa natin na dumanas pa si Jose ng higit na pahirap: “Sinaktan nila ng mga pangaw ang kaniyang mga paa, sa mga bakal ay nalagay ang kaniyang kaluluwa.” (Awit 105:17, 18) Kung minsan, ang mga bilanggo sa Ehipto ay iginagapos para matali sa likuran ang mga braso nila; ang iba ay may mga kulyar na bakal sa leeg. Napakahirap ng dinanas ni Jose—gayong wala naman siyang ginawang karapat-dapat sa parusang iyon!

      Isa pa, hindi ito panandalian lang. Sinasabi ng ulat na si Jose ay ‘nanatili sa bilangguan.’ Gumugol siya ng mga taon sa kahila-hilakbot na lugar na iyon!a Hindi alam ni Jose kung mapalalaya pa siya. Habang ang nakatatakot na mga araw ay naging mga linggo, at mga buwan, paano niya nagawang hindi mawalan ng pag-asa?

  • “Paano Ko Magagawa ang Malaking Kasamaang Ito?”
    Ang Bantayan—2014 | Nobyembre 1
    • a Ipinahihiwatig ng Bibliya na si Jose ay mga 17 o 18 anyos nang magtrabaho sa bahay ni Potipar at nanatili siya roon hanggang sa magbinata—marahil mga ilang taon. At 30 anyos siya nang mapalaya sa bilangguan.—Genesis 37:2; 39:6; 41:46.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share