Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Pagpugot ng Ulo”
  • Pagpugot ng Ulo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpugot ng Ulo
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • David
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Filistia, Filisteo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Saul
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Si David at si Goliat
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Pagpugot ng Ulo”

PAGPUGOT NG ULO

Isang paraan ng paglalapat ng kaparusahang kamatayan na hindi itinakda ng Kautusang Mosaiko ngunit isinasagawa noon ng maraming bansa. Sa Israel, ang pagpugot ng ulo ay kadalasang isinasagawa matapos patayin ang isang indibiduwal at karaniwan itong ginagawa upang ipakita sa madla na isang kadustaan ang kamatayan ng taong iyon o upang ipabatid sa madla ang paghatol o bigyan sila ng babala.

‘Iniangat ni Paraon ang ulo’ ng kaniyang punong magtitinapay na maliwanag na pinugutan ng ulo. (Gen 40:19) Matapos pabagsakin ni David si Goliat sa pamamagitan ng isang bato mula sa kaniyang panghilagpos, kinuha niya ang tabak ni Goliat at “talagang pinatay niya ito” sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo nito sa harap ng mga hukbo ng Israel at ng mga Filisteo. Dahil dito, lubhang natakot ang hukbo ng mga Filisteo at nauwi ito sa kanilang matinding pagkatalo. (1Sa 17:51, 52) Pinutol ng mga Filisteo ang ulo ni Saul pagkamatay niya, pagkatapos ay ibinitin nila sa pader ng lunsod ng Bet-san ang kaniyang bangkay pati ang mga bangkay ng kaniyang mga anak. (1Sa 31:9, 12) Pinaslang nina Recab at Baanah, mga lalaking balakyot, ang anak ni Saul na si Is-boset at pinugutan siya ng ulo upang madala iyon kay David, sa pag-aakalang matatamo nila ang pabor ni David. Dahil dito ay ipinapatay sila ni David. (2Sa 4:5-12) Upang iligtas ang kanilang lunsod, kumilos ang taong-bayan ng lunsod ng Abel ng Bet-maaca ayon sa payo ng isang babaing marunong at pinutol nila ang ulo ni Sheba na anak ni Bicri, na inihagis nila kay Joab mula sa ibabaw ng pader. Hindi sinasabi kung pinatay muna si Sheba bago ito pinugutan ng ulo. (2Sa 20:15, 21, 22) Pinatay ng matatanda at bantog na mga tao ng Samaria ang 70 anak ni Ahab at inilagay nila ang ulo ng mga ito sa mga basket at ipinadala kay Jehu sa Jezreel, kung saan itinambak ang mga ito sa dalawang bunton sa may pintuang-daan ng lunsod bilang katibayan ng katuparan ng hatol ni Jehova na sinalita ni Elias.​—2Ha 10:6-10; 1Ha 21:20-22.

Iniuulat ng Bibliya na iniutos ni Herodes Antipas na pugutan ng ulo si Juan na Tagapagbautismo sa bilangguan ayon sa kahilingan ng anak na babae ni Herodias. (Mat 14:8-11; Mar 6:24-28; Luc 9:9) Sa isang pangitain, “nakita [ni Juan] ang mga kaluluwa niyaong mga pinatay sa pamamagitan ng palakol dahil sa patotoo na kanilang ibinigay tungkol kay Jesus at dahil sa pagsasalita tungkol sa Diyos.”​—Apo 20:4; tingnan ang KRIMEN AT KAPARUSAHAN.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share