Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagliligtas ng Buhay sa Panahon ng Taggutom
    Ang Bantayan—1987 | Mayo 1
    • 1. Anong matalinong pagkilos ang ginawa ni Jose noong mga taon ng kasaganaan, at ano ang resulta?

      KARAKARAKA pagkatapos nang siya’y atasan bilang administrador o tagapangasiwa ng pagkain, si Jose ay lumibot sa lupain ng Ehipto. Kaniyang inorganisang mainam ang mga bagay-bagay hanggang sa panahon na magsimula ang mga taon ng kasaganaan. Ngayon ay nagbigay ng saganang ani ang lupain! Patuloy na tinipon ni Jose ang mga pagkain na ani ng bukid sa bawat lunsod, at kaniyang ikinamalig iyon sa lunsod. Siya’y patuloy na “nagkamalig ng trigo na pagkarami-rami, tulad ng mga butil ng buhangin sa dagat, hanggang sa wakas ay hindi na nila binilang iyon, sapagkat hindi na mabilang.”​—Genesis 41:46-49.

  • Pagliligtas ng Buhay sa Panahon ng Taggutom
    Ang Bantayan—1987 | Mayo 1
    • 4. Paanong ang paglalaan na ginagawa ng uring “alipin” sa ngayon ay katumbas niyaong inorganisa noong kaarawan ni Jose?

      4 Ang tapat na nalabi ng uring “maingat na alipin” na ito ngayon ay gumagawa ng anumang iniuutos ng Kasulatan upang ang nag-alay na mga saksi ni Jehova, pati na rin ang mga taong interesado mula sa sanlibutan, ay tumanggap ng panustos-buhay na pagkaing espirituwal. Ang ipinagkatiwalang ito ay kinikilala na isang banal na tungkulin at ginaganap bilang isang sagradong paglilingkuran kay Jehova. Gayundin, ang “alipin” ay nag-organisa ng mga kongregasyon at tinustusan ito ng mga literatura sa Bibliya na pagkarami-rami na anupa’t sila’y may sapat na “binhi” ng Kaharian para maisabog sa madla sa mga bukid na iniatas sa kanila na tamnan. Ito’y katumbas noong kaarawan ni Jose, nang kaniyang tipunin sa mga lunsod ang mga tao at binigyan sila ng trigo hindi lamang para kainin kundi rin naman para ihasik nila at umani balang araw.​—Genesis 47:21-25; Marcos 4:14, 20; Mateo 28:19, 20.

      5. (a) Anong pantanging pansin ang ibinibigay ng “alipin” sa mga pangangailangang pansambahayan sa panahon ng krisis? (b) Paanong ang “labis-labis” na espirituwal na mga paglalaan noong 1986 ay maihahambing sa mga panustos noong panahon ni Jose?

      5 Kahit na kung ang pangmadlang gawaing pangangaral ay ibinabawal at pinag-uusig ang mga Saksi ni Jehova, ang ‘tapat na alipin’ ay naniniwala na ang paglalaang ito ng espirituwal na pagkain ay isang banal na gawaing ipinagkatiwala sa kanila. (Gawa 5:29, 41, 42; 14:19-22) Pagka may dumating na mga kasakunaan, tulad baga ng bagyo, baha, at mga lindol, inaasikaso ng “alipin” ang kapuwa pisikal at espirituwal na mga pangangailangan ng sambahayan ng Diyos. Kahit na yaong mga nasa concentration camps ay regular na nararating ng limbag na mga babasahin. Ang pambansang mga hangganan ay hindi pinapayagan na mapahinto ang agos ng espirituwal na pagkain sa mga nangangailangan nito. Upang mapanatili ang gayong panustos kailangan ang lakas ng loob, pananampalataya kay Jehova, at malimit sapat na talino. Sa buong daigdig noong nag-iisang taon ng 1986, ang “alipin” ay nagkaroon ng labis-labis na produksiyon ng 43,958,303 na mga Bibliya at pinabalatang mga aklat, at 550,216,455 mga magasin​—tunay nga na “pagkarami-rami, gaya ng mga butil ng buhangin sa dagat.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share