Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
    • 9 Sa gayunding paraan, tinitiyak sa atin ni Jehova ang pagiging totoo ng Kaharian. Gaya ng ipinakikita sa aklat ng Bibliya na Hebreo, maraming pitak ng Batas ang naging anino ng kaayusan ng Kaharian. (Hebreo 10:1) Ang mga patiunang silahis ng pag-asa ng Kaharian ng Diyos ay nakita rin sa makalupang kaharian ng Israel. Iyon ay hindi basta ordinaryong pamahalaan lamang, sapagkat ang mga tagapamahala ay nakaupo sa “trono ni Jehova.” (1 Cronica 29:23) Isa pa, patiuna nang sinabi: “Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda, ni ang baston ng kumandante sa pagitan ng kaniyang mga paa, hanggang sa dumating ang Shiloh; at sa kaniya tatalima ang mga bayan.” (Genesis 49:10)a Oo, mula sa angkang ito ng mga haring Judeano ipanganganak ang permanenteng Hari ng pamahalaan ng Diyos, si Jesus.​—Lucas 1:​32, 33.

  • Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
    • a Ang pangalang Shiloh ay nangangahulugang “Siya na May Taglay Niyaon; Siya na Nagmamay-ari Niyaon.” Dumating ang panahon, naging maliwanag na ang “Shiloh” ay si Jesu-Kristo, “ang Leon na mula sa tribo ni Juda.” (Apocalipsis 5:5) Pinalitan lamang ng ilang Judiong Targum ang salitang “Shiloh” ng “ang Mesiyas” o “ang haring Mesiyas.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share