Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Neptali
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Mula Noong Panahon ng mga Hukom Hanggang sa Pagkatapon. Sa hulang binigkas ni Jacob nang mamamatay na siya, tinukoy niya si Neptali bilang “isang balingkinitang babaing usa.” (Gen 49:21) Maaaring tumutukoy ito sa pagiging matulin at bihasa ng tribo sa pakikipagdigma, at waring pinatutunayan ito ng kasaysayan ng tribo. Sampung libong lalaki mula sa Neptali at Zebulon ang lakas-loob na tumugon sa panawagan ni Barak na makipagbaka sa lubos na nasasandatahang mga hukbo na pinangungunahan ni Sisera at nang maglaon ay pinagpala silang magtagumpay. Maliwanag na si Barak mismo ay mula sa tribo ni Neptali, yamang lumilitaw na naninirahan siya sa Kedes na nasa Neptali. (Huk 4:6-15; 5:18) Sinuportahan din ng tribo ni Neptali si Hukom Gideon sa pakikipaglaban sa mga Midianita.​—Huk 6:34, 35; 7:23, 24.

      Pagkaraan ng maraming taon, 1,000 pinuno at 37,000 iba pang mandirigma mula sa tribo ni Neptali ang pumaroon sa Hebron upang gawing hari si David sa buong Israel. Ang ibang pagkain sa piging na idinaos may kaugnayan sa pangyayaring iyon ay nagmula pa sa Isacar, Zebulon, at Neptali. (1Cr 12:23, 34, 38-40) Sa pangunguna ni Haring David, lumilitaw na ang tribo ni Neptali ay nagkaroon ng malaking bahagi sa pagsupil sa mga kaaway ng Israel.​—Aw 68:Sup, 1, 27.

  • Neptali
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang Hula ni Isaias. Maaaring ang kahihiyang idinulot ng mga Asiryano ang tinutukoy sa Isaias 9:1: “Ang karimlan ay hindi magiging gaya noong may kaigtingan sa lupa, gaya noong unang panahon nang ang lupain ng Zebulon at ang lupain ng Neptali ay hinahamak.” Pagkatapos ay ipinahiwatig ni Isaias na sa darating na panahon ay bibigyang-dangal ang dating hinahamak​—“ang daan sa tabi ng dagat, sa pook ng Jordan, Galilea ng mga bansa.” Nagpatuloy siya: “Ang bayan na lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng isang malaking liwanag. Para roon sa mga tumatahan sa lupain ng matinding dilim, ang liwanag ay sumikat sa kanila.” (Isa 9:1, 2) Ang mismong mga salitang ito ay sinipi ni Mateo (4:13-17) at ikinapit kay Kristo Jesus, “ang liwanag ng sanlibutan,” at sa kaniyang gawain. (Ju 8:12) Yamang ang Capernaum sa teritoryo ng Neptali ay itinuring ni Jesus na “kaniyang sariling lunsod” (Mat 4:13; 9:1), sa diwa ay maaaring sabihin na siya’y mula sa Neptali. Kaya naman ang makahulang mga salita ni Jacob tungkol kay Neptali, “Siya ay nangungusap ng maririkit na salita,” ay angkop na maikakapit kay Jesus. (Gen 49:21) Ang Anak ng Diyos ay talagang nangusap ng “maririkit na salita,” anupat maging ang mga opisyal na isinugo upang dakpin siya ay bumulalas: “Walang sinumang tao ang nakapagsalita nang tulad nito.”​—Ju 7:46.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share