Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paglalang, Nilalang
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Angkop ang pagkakasabi ng Awit 33:6: “Sa pamamagitan ng salita ni Jehova ay nalikha ang langit, at ang buong hukbo nila ay sa pamamagitan ng espiritu ng kaniyang bibig.” Nang ang lupa ay ‘wala pang anyo at tiwangwang,’ anupat “may kadiliman sa ibabaw ng matubig na kalaliman,” ang aktibong puwersa ng Diyos ay gumagalaw nang paroo’t parito sa ibabaw ng tubig. (Gen 1:2) Samakatuwid, ginamit ng Diyos ang kaniyang aktibong puwersa, o “espiritu” (sa Heb., ruʹach), sa paglalang. Ang mga bagay na nilalang niya ay nagpapatotoo hindi lamang sa kaniyang kapangyarihan kundi maging sa kaniyang pagka-Diyos. (Jer 10:12; Ro 1:19, 20) At, yamang si Jehova ay “isang Diyos, hindi ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan” (1Co 14:33), ang kaniyang gawang paglalang ay kakikitaan ng kaayusan at hindi ng kaguluhan o pagbabakasakali. Ipinaalaala ni Jehova kay Job na gumawa Siya ng espesipikong mga hakbang nang itatag Niya ang lupa at harangan ang dagat at ipinahiwatig Niya na may “mga batas ng langit.” (Job 38:1, 4-11, 31-33) Karagdagan pa, ang paglalang at iba pang mga gawa ng Diyos ay sakdal.​—Deu 32:4; Ec 3:14.

  • Paglalang, Nilalang
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang Genesis 1:1, 2 ay tumutukoy sa isang panahon bago ang anim na “araw” na binalangkas sa tsart. Nang magsimula ang “mga araw” na ito, umiiral na ang araw, buwan, at mga bituin, yamang binanggit na sa Genesis 1:1 ang paglalang sa mga ito. Gayunman, bago ang anim na “araw” na ito, “ang lupa ay walang anyo at tiwangwang at may kadiliman sa ibabaw ng matubig na kalaliman.” (Gen 1:2) Lumilitaw na nababalutan pa rin ang lupa ng isang kulandong ng mga suson ng ulap, anupat hinaharangan nito ang liwanag upang hindi makaabot sa ibabaw ng lupa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share