-
May Matututuhan Tayo Mula sa Unang Mag-asawaAng Bantayan—2000 | Nobyembre 15
-
-
SINURI ng Diyos ang planetang Lupa. Inihahanda niya ito upang panirahan ng tao. Nakita niya na ang lahat ng bagay na kaniyang ginawa ay mabuti. Sa katunayan, nang matapos ang gawaing ito, ipinahayag niya na iyon ay “napakabuti.” (Genesis 1:12, 18, 21, 25, 31) Gayunman, bago umabot sa ganap na konklusyon na iyan, may sinabi ang Diyos na isang bagay na “hindi mabuti.” Sabihin pa, wala namang di-sakdal na bagay na ginawa ang Diyos. Kaya lamang, ang kaniyang paglalang ay hindi pa kumpleto. “Hindi mabuti para sa lalaki na manatiling nag-iisa,” ang sabi ni Jehova. “Gagawa ako ng isang katulong para sa kaniya, bilang kapupunan niya.”—Genesis 2:18.
-
-
May Matututuhan Tayo Mula sa Unang Mag-asawaAng Bantayan—2000 | Nobyembre 15
-
-
Kailangan ng lalaki ang isang “kapupunan.” Ngayon ay mayroon nang isang nababagay para sa kaniya. Angkop na angkop si Eva para maging kapupunan ni Adan—sa pangangalaga sa kanilang tahanang hardin at sa mga hayop, sa pagkakaroon ng mga anak, at sa pagpapasigla sa kakayahang pangkaisipan at pagbibigay ng suporta ng isang tunay na kasama.—Genesis 1:26-30.
-