Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paano Nagsimula ang Buhay?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 1. Paano nagsimula ang uniberso?

      Sinasabi ng Bibliya: “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.” (Genesis 1:1) Naniniwala ang maraming siyentipiko na may pasimula ang uniberso. Paano ito nilalang ng Diyos? Ginamit niya ang kaniyang “aktibong puwersa”​—ang banal na espiritu​—para lalangin ang lahat ng nasa uniberso kasama na ang mga galaksi, bituin, at planeta.​—Genesis 1:2.

  • Paano Nagsimula ang Buhay?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 5. May dahilan para paniwalaan ang rekord ng Bibliya tungkol sa paglalang

      Sa Genesis kabanata 1, inilarawan ng Bibliya kung paano nilalang ang lupa at ang buhay rito. Kapani-paniwala ba ang rekord na ito o isa lang itong alamat? Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      VIDEO: Nilalang Ba ang Uniberso?​—Video Clip (3:​51)

      Mga larawan: Eksena sa video na ‘Nilalang Ba ang Uniberso?​—Video Clip.’ 1. Anim na araw ng paglalang sa paningin ng tao sa lupa. 2. Ang lupa pagkatapos ng anim na araw ng paglalang. Mayroon nang araw, tuyong lupa, tubig, mga pananim, ibon, hayop, at tao.
      • Itinuturo ba ng Bibliya na nilalang ang lupa at ang buhay rito sa loob ng anim na araw na may tig-24 na oras?

      • Sa tingin mo, tama ba at lohikal ang rekord ng Bibliya tungkol sa paglalang? Bakit iyan ang sagot mo?

      Basahin ang Genesis 1:1. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Sinasabi ng mga siyentipiko na may pasimula ang uniberso. Ano ang pagkakapareho niyan sa binasa mong teksto?

      Iniisip ng ilan na ginamit ng Diyos ang ebolusyon para lalangin ang buhay. Basahin ang Genesis 1:​21, 25, 27. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Itinuturo ba ng Bibliya na lumalang ang Diyos ng isang uri ng buhay at pagkatapos ay nag-evolve ito at naging mga isda, mamalya, at tao? O nilalang niya ang lahat ng pangunahing “uri” ng buhay?b

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share