Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?
    Ang Bantayan—2014 | Enero 1
    • Sophia: Okey. “At ang serpiyente ang pinakamaingat sa lahat ng maiilap na hayop sa parang na ginawa ng Diyos na Jehova. Kaya nagsimula itong magsabi sa babae: ‘Talaga bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain mula sa bawat punungkahoy sa hardin?’ At sinabi ng babae sa serpiyente: ‘Sa bunga ng mga punungkahoy sa hardin ay makakakain kami. Ngunit kung tungkol sa pagkain ng bunga ng punungkahoy na nasa gitna ng hardin, sinabi ng Diyos, “Huwag kayong kakain mula roon, ni huwag ninyong hihipuin iyon upang hindi kayo mamatay.”’ At sinabi ng serpiyente sa babae: ‘Tiyak na hindi kayo mamamatay. Sapagkat nalalaman ng Diyos na sa mismong araw na kumain kayo mula roon ay madidilat nga ang inyong mga mata at kayo nga ay magiging tulad ng Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.’”

  • Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?
    Ang Bantayan—2014 | Enero 1
    • Michelle: Tama. Ang sumunod na sinabi ni Satanas ay isang malaking akusasyon laban sa Diyos. Pansinin ang sinabi niya: “Tiyak na hindi kayo mamamatay.” Pinalalabas ni Satanas na sinungaling ang Diyos!

      Sophia: Ngayon ko lang narinig iyan.

      Michelle: At nang sabihin ni Satanas na sinungaling ang Diyos, ibinangon niya ang isyu na nangangailangan ng panahon para malutas. Nauunawaan mo ba kung bakit?

      Sophia: Hmm. Hindi ko alam.

      Michelle: Gumamit tayo ng isang halimbawa. Sabihin natin na isang araw ay nilapitan kita at sinabi ko sa iyo na mas malakas ako kaysa sa iyo. Paano mo mapatutunayang mali ako?

      Sophia: Subukan natin.

      Michelle: Tama. Pumili tayo ng isang mabigat na bagay at tingnan natin kung sino ang makakabuhat nito. Sa katunayan, madali lang patunayan kung sino ang mas malakas.

      Sophia: Nauunawaan ko ang punto mo.

      Michelle: Pero kumusta naman kung sa halip na sabihin kong mas malakas ako, sinabi ko na mas tapat ako kaysa sa iyo? Ibang usapan naman iyan, ’di ba?

      Sophia: Oo, sa palagay ko nga.

      Michelle: Ang pagiging tapat ay hindi mapatutunayan sa pamamagitan ng isang pagsubok ng lakas.

      Sophia: Hindi nga.

      Michelle: Kaya, ang tanging paraan para masagot ang hamon ay palipasin ang sapat na panahon upang makita ng iba kung sino talaga sa ating dalawa ang mas tapat.

      Sophia: Tama ka.

      Michelle: Ngayon, balikan natin ang ulat na ito ng Genesis. Inangkin ba ni Satanas na mas malakas siya kaysa sa Diyos?

      Sophia: Hindi.

      Michelle: Napakadali kasing pasinungalingan iyan ng Diyos. Kaya inangkin ni Satanas na mas tapat siya kaysa sa Diyos. Sa diwa, sinabi niya kay Eva, ‘Nagsisinungaling sa iyo ang Diyos, at ako ang nagsasabi ng totoo.’

      Sophia: Oo nga ’no.

      Michelle: Dahil sa karunungan ng Diyos, alam niya na ang pinakamabuting paraan ay palipasin ang panahon para masagot ang hamon. Sa bandang huli, malalaman din kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang nagsisinungaling.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share