Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?
    Ang Bantayan—2014 | Enero 1
    • Sophia: Okey. “At ang serpiyente ang pinakamaingat sa lahat ng maiilap na hayop sa parang na ginawa ng Diyos na Jehova. Kaya nagsimula itong magsabi sa babae: ‘Talaga bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain mula sa bawat punungkahoy sa hardin?’ At sinabi ng babae sa serpiyente: ‘Sa bunga ng mga punungkahoy sa hardin ay makakakain kami. Ngunit kung tungkol sa pagkain ng bunga ng punungkahoy na nasa gitna ng hardin, sinabi ng Diyos, “Huwag kayong kakain mula roon, ni huwag ninyong hihipuin iyon upang hindi kayo mamatay.”’ At sinabi ng serpiyente sa babae: ‘Tiyak na hindi kayo mamamatay. Sapagkat nalalaman ng Diyos na sa mismong araw na kumain kayo mula roon ay madidilat nga ang inyong mga mata at kayo nga ay magiging tulad ng Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.’”

  • Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?
    Ang Bantayan—2014 | Enero 1
    • Michelle: Sa diwa, oo. Pero higit pa riyan ang nasasangkot sa hamon ni Satanas. Tingnan mo muli ang talata 5. Napansin mo ba kung ano pa ang sinabi ni Satanas kay Eva?

      Sophia: Sinabi niya na kung kakainin niya ang prutas, madidilat ang kaniyang mga mata.

      Michelle: Oo, at na siya ay magiging “tulad ng Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.” Kaya parang sinasabi ni Satanas na ang Diyos ay may ipinagkakait na mabuting bagay sa mga tao.

      Sophia: Ganoon pala.

      Michelle: Isa ring malaking hamon iyan.

      Sophia: Ano ang ibig mong sabihin?

      Michelle: Sa kaniyang pananalita, ipinahihiwatig ni Satanas na si Eva​—at ang lahat ng tao​—ay mas mapapabuti kung wala ang pamamahala ng Diyos. Sa kaso ring ito, alam ni Jehova na ang pinakamabuting paraan para masagot ang hamon ay hayaan si Satanas na patunayan ang kaniyang sinabi. Kaya pinahintulutan ng Diyos si Satanas na mamahala sa daigdig na ito sa loob ng ilang panahon. Iyan ang dahilan kung bakit nakikita natin ang labis na pagdurusa sa ngayon​—sapagkat si Satanas, hindi ang Diyos, ang tunay na namamahala sa daigdig.d Pero may mabuting balita.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share