-
Pahalagahan ang Natatanging Papel ni Jesus sa Layunin ng DiyosAng Bantayan—2008 | Disyembre 15
-
-
Inihulang “Binhi”
18. Anong hula ang binigkas pagkatapos magkasala si Adan, at ano ang isiniwalat nang maglaon tungkol sa hulang ito?
18 Nang maiwala ng sangkatauhan noon sa Eden ang lahat—isang malinis na katayuan sa harap ng Diyos, walang-hanggang buhay, kaligayahan, at Paraiso—inihula ng Diyos na Jehova ang isang Tagapagligtas. Tinukoy ito na “binhi.” (Gen. 3:15) Sa paglipas ng mga panahon, naging paksa ng maraming hula sa Bibliya ang tungkol sa di-pa-natutukoy na Binhing ito. Inilarawan siya bilang inapo ni Abraham, Isaac, at Jacob. Sinabi rin na siya ay magmumula sa linya ni Haring David.—Gen. 21:12; 22:16-18; 28:14; 2 Sam. 7:12-16.
19, 20. (a) Sino ang ipinangakong Binhi? (b) Bakit natin masasabi na hindi lamang si Jesus ang inihulang binhi?
19 Sino ang ipinangakong Binhi? Ang sagot sa tanong na ito ay makikita sa Galacia 3:16. (Basahin.) Gayunman, sa huling bahagi ng kabanata ring iyon, sinabi ni apostol Pablo sa mga pinahirang Kristiyano: “Bukod diyan, kung kayo ay kay Kristo, kayo ay talaga ngang binhi ni Abraham, mga tagapagmana ayon sa isang pangako.” (Gal. 3:29) Paano nangyaring may iba pang kasama si Kristo gayong siya ang ipinangakong Binhi?
20 Milyun-milyon ang nag-aangking nagmula sila kay Abraham. Sinasabi pa nga ng ilan na sila’y mga propeta. Ipinagmamalaki ng ilang relihiyon na ang kanilang mga propeta ay nagmula kay Abraham. Pero ang lahat ba ng ito na nag-aangking nagmula kay Abraham ay ipinangakong Binhi? Hindi. Gaya ng sinabi ni apostol Pablo sa Bibliya, hindi lahat ng nagmula kay Abraham ay makapag-aangkin na siya ang ipinangakong Binhi. Ang supling ng iba pang mga anak ni Abraham ay hindi gagamitin para pagpalain ang sangkatauhan. Ang binhi ng pagpapala ay sa pamamagitan lamang ni Isaac. (Heb. 11:18) Sa dakong huli, iisang tao lamang, si Jesu-Kristo, na ang talaangkanan ay nakaulat sa Bibliya at nagpapatunay na nagmula siya kay Abraham, ang pangunahing bahagi ng inihulang binhi.b Nang maglaon, lahat ng iba pang naging pangalawahing bahagi ng binhi ni Abraham ay naging gayon dahil sila ay “kay Kristo.” Oo, talagang natatangi ang papel ni Jesus sa katuparan ng hulang ito.
-
-
Pahalagahan ang Natatanging Papel ni Jesus sa Layunin ng DiyosAng Bantayan—2008 | Disyembre 15
-
-
b Kahit na iniisip ng mga Judio noong unang siglo C.E. na sila, bilang literal na supling, o inapo ni Abraham, ang magiging sinang-ayunang bayan, naghihintay pa rin sila sa pagdating ng isang tao na magiging Mesiyas, o Kristo.—Juan 1:25; 7:41, 42; 8:39-41.
-