Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ang mga Bagay na Isiniwalat ay Nauukol sa Atin”
    Ang Bantayan—1986 | Mayo 15
    • Ang Isiniwalat ni Jehova na mga Lihim

      3. Anong pagsisiwalat ng kaniyang layunin ang ginawa ni Jehova kay Adan at kay Eva?

      3 Nakatutuwang sabihin, si Jehova ay totoong bukas-palad sa pagsisiwalat ng kaalaman. Mula pa nang panahon ng paglalang, unti-unting ibinigay ng Diyos sa mga sumasamba sa kaniya ang lahat ng kaalaman na kailangan nila sa ilalim ng iba’t-ibang kalagayan. (Kawikaan 11:9; Eclesiastes 7:12) Noong unang-una, kaniyang ipinaliwanag na ang lupa at ang mga hayop na naririto ay susupilin ni Adan at ni Eva at ng kanilang mga supling at inapo. (Genesis 1:28, 29) Subalit, si Adan at si Eva ay hinikayat ni Satanas na magkasala, at naging mahirap noon na makita kung paano nga matutupad ang nilayon ng Diyos ayon sa kaniyang ikaluluwalhati. Datapuwat, mabilis naman na ipinaliwanag ni Jehova ang mga bagay-bagay. Kaniyang isiniwalat na sa takdang panahon ay lilitaw ang isang supling, o “binhi,” na kikilos laban sa mga gawa ni Satanas at ng kaniyang mga tagasunod.​—Genesis 3:15.

      4, 5. Anong higit pang mga pagsisiwalat ang ginawa ni Jehova, at sino ang mga ginamit niyang alulod?

      4 Ang mga lalake at mga babae na may takot sa Diyos ay tiyak na nagkaroon ng maraming katanungan tungkol sa Binhing iyon. Sino kaya siya? Kailan kaya siya darating? Paano kaya makikinabang ang sangkatauhan? Sa paglakad ng daang-daang taon, si Jehova ay nagbigay ng higit pang mga pagsisiwalat tungkol sa kaniyang mga layunin, at sa wakas kaniyang sinagot ang lahat ng mga tanong na ito. Bago sumapit ang Baha, kaniyang kinasihan si Enoc na humula tungkol sa darating na pagkapuksa ng binhi ni Satanas. (Judas 14, 15) Humigit-kumulang 2,400 mga taon bago ng ating Common Era, kaniyang isiniwalat kay Noe na ang buhay ng tao at ang dugo ay banal​—isang katotohanan na may pangunahing kahalagahan pagdating dito ng ipinangakong Binhi.​—Genesis 9:1-7.

      5 Pagkatapos ng kaarawan ni Noe, si Jehova ay nagsiwalat ng mahalagang kaalaman sa pamamagitan ng iba pang tapat na mga patriarka. Noong ika-20 siglo B.C.E., napag-alaman ni Abraham na ang ipinangakong Binhi ay magiging isa sa kaniyang mga inapo. (Genesis 22:15-18) Ang pangakong ito ay naging isang walang katulad na kayamanan sa anak ni Abraham na si Isaac at sa apo na si Jacob (nang malaunan ay pinanganlang Israel). (Genesis 26:3-5; 28:13-15) Pagkatapos, sa pamamagitan ni Jacob, isiniwalat ni Jehova na ang Binhing ito, ang “Shiloh,” ay magiging isang makapangyaring hari na isisilang sa angkan ng kaniyang anak na si Juda.​—Genesis 49:8-10.

  • “Ang mga Bagay na Isiniwalat ay Nauukol sa Atin”
    Ang Bantayan—1986 | Mayo 15
    • 7, 8. (a) Anong karagdagang kaalaman ang isiniwalat ni Jehova tungkol sa darating na Binhi? (b) Paano naingatan “ang mga bagay na isiniwalat,” at sino ang nagsiwalat ng wastong unawa sa gayong mga bagay?

      7 Habang lumalakad ang panahon, patuloy na magsisiwalat si Jehova ng tungkol sa Binhi. Sa pamamagitan ng salmista, isiniwalat ng Diyos na ang mga bansa ay tatanggi sa kaniyang Binhi ngunit ang Binhi ay magtatagumpay dahil sa tulong ni Jehova. (Awit 2:1-12) Sa pamamagitan ni Isaias, kaniyang isiniwalat na ang Binhi ay yaong “Prinsipe ng Kapayapaan” ngunit siya rin naman ay magdurusa alang-alang sa mga kasalanan ng iba. (Isaias 9:6; 53:3-12) Noong ikawalong siglo B.C.E., isiniwalat pa man din ni Jehova ang dakong pagsisilangan sa Binhi at, noong ikaanim na siglo B.C.E., ang talaorasan para sa kaniyang ministeryo.​—Mikas 5:2; Daniel 9:24-27.

  • “Ang mga Bagay na Isiniwalat ay Nauukol sa Atin”
    Ang Bantayan—1986 | Mayo 15
    • 11, 12. Ano ang ilan sa kahanga-hangang pagsisiwalat na ginawa sa pamamagitan ng bagong alulod?

      11 Ang pinaka-buod ng bagong “mga banal na lihim” na ito ay na narito na si Jesu-Kristo, ang ipinangakong Binhi. (Galacia 3:16) Si Jesus ay siyang “Shiloh,” ang isa na may karapatang magpuno sa sangkatauhan, at siya’y hinirang ni Jehova bilang Hari ng Kaharian na sa wakas magsasauli ng Paraiso sa lupang ito. (Isaias 11:1-9; Lucas 1:31-33) Si Jesus ang siya ring hinirang ni Jehova na Mataas na Saserdote, na ang sakdal na buhay na walang bahid dungis ay ibinigay na pantubos para sa sangkatauhan​—isang kamangha-manghang pagkakapit ng simulain ng kabanalan ng dugo. (Hebreo 7:26; 9:26) Mula noon, ang sumasampalatayang sangkatauhan ay may pag-asang matamong muli ang sakdal na buhay-tao na iniwala ni Adan.​—1 Juan 2:1, 2.

      12 Ang ipinangakong Binhing ito ay isa ring tagapamagitan sa kaniyang mga tagasunod at sa kaniyang makalangit na Ama upang magkaroon ng isang bagong tipan na humalili sa dating tipang Kautusan. (Hebreo 8:10-13; 9:15) Salig sa bagong tipan na ito, ang baguhan pang kongregasyong Kristiyano ang humalili sa bansa ng likas na Israel, at naging isang espirituwal na Israel, ang espirituwal na “binhi ni Abraham” kasama ni Jesus, at mga katiwala ng “mga bagay na isiniwalat.” (Galacia 3:29; 6:16; 1 Pedro 2:9) Isa pa​—na di-maubos-maisip ng mga Judio​—ang mga Hentil ay inanyayahan na maging bahagi ng bagong espirituwal na Israel na iyon! (Roma 2:28, 29) Ang Judio at di-Judiong espirituwal na mga Israelita ay magkasamang sinugo na gumawa ng mga alagad ni Jesus sa buong lupa. (Mateo 28:19, 20) Sa gayon, “ang mga bagay na isiniwalat,” ay napaukol sa lahat ng bansa ng daigdig.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share