Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Siya, Bagaman Namatay Siya, ay Nagsasalita Pa”
    Ang Bantayan—2013 | Enero 1
    • Kung oo, nagkamali siya. At kung iyan ang itinanim nilang mag-asawa sa isipan ni Cain, tinuruan lang nilang maging hambog ang kanilang anak. Muling nagkaanak si Eva, pero wala na siyang anumang sinambit na magagandang pananalita tungkol sa sanggol. Pinangalanan nila itong Abel, na maaaring mangahulugang “Singaw,” o “Kawalang-kabuluhan.” (Genesis 4:2) Ipinahihiwatig kaya ng pangalang ito na walang masyadong inaasahan sina Adan at Eva kay Abel kumpara kay Cain? Posible, pero hindi natin tiyak.

  • “Siya, Bagaman Namatay Siya, ay Nagsasalita Pa”
    Ang Bantayan—2013 | Enero 1
    • Habang lumalaki sina Cain at Abel, malamang na sinanay sila ni Adan na magtrabaho para sa kanilang pamilya. Nagsaka si Cain, at nagpastol naman si Abel.

  • “Siya, Bagaman Namatay Siya, ay Nagsasalita Pa”
    Ang Bantayan—2013 | Enero 1
    • Tiyak na lagi ring iniisip ni Abel si Jehova. Gunigunihin si Abel habang nagpapastol ng kaniyang mga tupa. Ang isang pastol ay lakad nang lakad. Inaakay niya ang kaniyang kawan sa mga burol, libis, at patawid sa mga ilog. Lagi siyang naghahanap ng pinakasariwang damo, pinakamainam na bukal ng tubig, at pinakaligtas na pahingahang-dako. Sa lahat ng nilalang ng Diyos, ang mga tupa ang talagang walang kalaban-laban, na para bang nilikha ang mga ito upang gabayan at protektahan ng tao. Nakita kaya ni Abel na kailangan din niya ng gabay, proteksiyon, at pangangalaga mula sa Isa na mas matalino at mas makapangyarihan kaysa sa tao? Tiyak na kasama iyan sa mga panalangin ni Abel. At bilang resulta, lalong tumibay ang kaniyang pananampalataya.

      Nakita ni Abel sa mga nilalang ang isang matibay na dahilan para manampalataya sa maibiging Maylalang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share