Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Siya, Bagaman Namatay Siya, ay Nagsasalita Pa”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • 8 Kung oo, maling-mali siya. At kung iyan ang itinanim nilang mag-asawa sa isip ni Cain, tinuruan lang nilang maging hambog ang kanilang anak. Muling nagkaanak si Eva, pero wala siyang sinabing maganda tungkol sa sanggol na ito. Pinangalanan nila itong Abel, na maaaring nangangahulugang “Singaw,” o “Kawalang-kabuluhan.” (Gen. 4:2) Ipinahihiwatig kaya ng pangalang ito na walang gaanong inaasahan sina Adan at Eva kay Abel kumpara kay Cain? Posible.

  • “Siya, Bagaman Namatay Siya, ay Nagsasalita Pa”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • 10, 11. Ano ang naging trabaho nina Cain at Abel, at nagkaroon ng anong katangian si Abel?

      10 Habang lumalaki sina Cain at Abel, malamang na sinanay sila ni Adan na magtrabaho para mapaglaanan ang pamilya. Naging magsasaka si Cain at pastol naman si Abel.

  • “Siya, Bagaman Namatay Siya, ay Nagsasalita Pa”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
    • 13 Tiyak na lagi ring iniisip ni Abel ang kaugnayan niya sa Diyos. Gunigunihin si Abel habang nagpapastol ng kawan. Ang isang pastol ay lakad nang lakad. Inaakay niya ang maaamong hayop na ito sa mga burol, libis, at patawid sa mga ilog​—para humanap ng pinakasariwang damo, pinakamainam na bukal ng tubig, at pinakaligtas na pahingahang-dako. Sa lahat ng nilalang ng Diyos, ang mga tupa ang tila walang kalaban-laban, na para bang nilikha ang mga ito na nangangailangan ng gabay at proteksiyon ng tao. Naisip kaya ni Abel na kailangan din niya ng gabay, proteksiyon, at pangangalaga ng Isa na mas matalino at mas makapangyarihan kaysa sa sinumang tao? Tiyak na kasama iyan sa mga panalangin ni Abel, at lalong tumibay ang kaniyang pananampalataya dahil dito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share