Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paghahandog ng Kaayaayang Hain kay Jehova
    Ang Bantayan—1999 | Pebrero 1
    • Pagkaraan ng ilang panahon, malamang nang sila’y nasa hustong gulang na, kapuwa naghandog sina Cain at Abel kay Jehova. Yamang isang pastol si Abel, hindi nakapagtataka na naghain siya ng “mga panganay ng kaniyang kawan, maging ang matatabang bahagi niyaon.” Sa kabaligtaran, si Cain naman ay naghandog ng “mga bunga ng lupa.” Tinanggap ni Jehova ang hain ni Abel, ngunit “siya ay hindi nagpapakita ng anumang paglingap kay Cain at sa kaniyang handog.” (Genesis 4:3-5) Bakit hindi?

      Tinutukoy ng ilan ang bagay na ang hain ni Abel ay mula sa “mga panganay ng kaniyang kawan,” samantalang ang kay Cain ay yaon lamang “mga bunga ng lupa.” Ngunit ang suliranin ay hindi ang kalidad ng ani na inihandog ni Cain, sapagkat sinasabi ng ulat na si Jehova ay nagpakita ng lingap “kay Abel at sa kaniyang handog,” at hindi nagpakita ng lingap “kay Cain at sa kaniyang handog.” Kaya ang pangunahing tinitingnan ni Jehova ay ang kalagayan ng puso ng mananamba. Sa paggawa nito, ano ang nakita niya? Sinasabi ng Hebreo 11:4 na “sa pananampalataya” ay naghandog si Abel ng kaniyang hain. Kaya lumilitaw na si Cain ay walang pananampalataya na siyang nagpangyaring maging kaayaaya ang hain ni Abel.

      Dahil dito, kapansin-pansin na sa handog ni Abel ay may itinigis na dugo. Maaaring wasto niyang natanto na sa pangako ng Diyos hinggil sa isang binhi na susugatan sa sakong ay magkakaroon ng paghahain ng isang buhay. Kaya ang handog ni Abel ay isang paghiling ng pagbabayad-sala, at nagpahayag ito ng pananampalataya na maglalaan ang Diyos ng isang pampalubag-loob na hain para sa mga kasalanan sa itinakdang panahon.

  • Paghahandog ng Kaayaayang Hain kay Jehova
    Ang Bantayan—1999 | Pebrero 1
    • Hindi sinasabi ng Bibliya kung paano ipinakita ni Jehova ang pagsang-ayon niya sa hain ni Abel. Iminumungkahi ng ilan na maaaring nilamon iyon ng apoy mula sa langit. Anuman ang nangyari, nang matanto na tinanggihan ang kaniyang handog, “si Cain ay nag-init sa matinding galit, at nagsimulang mamanglaw ang kaniyang mukha.” (Genesis 4:5) Patungo sa kapahamakan si Cain.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share