Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Paghahandog ng Kaayaayang Hain kay Jehova
    Ang Bantayan—1999 | Pebrero 1
    • Nangatuwiran si Jehova kay Cain. “Bakit ka nag-iinit sa galit at bakit namanglaw ang iyong mukha?” ang tanong niya. Nagbigay ito ng sapat na panahon kay Cain upang suriin ang kaniyang damdamin at motibo. “Kung gagawa ka ng mabuti,” patuloy ni Jehova, “hindi ba magkakaroon ng pagkakataas? Ngunit kung hindi ka gagawa ng mabuti, ang kasalanan ay nakaabang sa pasukan, at ikaw ang hinahangad niyaon; at mapananaigan mo naman ba iyon?”​—Genesis 4:6, 7. (Tingnan ang kahon sa pahina 23.)

  • Paghahandog ng Kaayaayang Hain kay Jehova
    Ang Bantayan—1999 | Pebrero 1
    • Bago at pagkatapos paslangin si Abel, tumanggi si Cain na “gumawa ng mabuti.” Hinayaan niyang manaig sa kaniya ang kasalanan, at dahil dito, si Cain ay pinalayas sa lugar na tinatahanan ng pamilya ng tao. Isang “tanda,” marahil isa lamang seryosong batas, ang itinakda upang walang maghihiganti sa pagkamatay ni Abel sa pamamagitan ng pagpatay kay Cain.​—Genesis 4:15.

  • Paghahandog ng Kaayaayang Hain kay Jehova
    Ang Bantayan—1999 | Pebrero 1
    • “BAKIT ka nag-iinit sa galit at bakit namanglaw ang iyong mukha?” Sa pamamagitan ng tanong na ito, may-kabaitang nakipagkatuwiranan si Jehova kay Cain. Hindi niya pinilit si Cain na magbago, sapagkat si Cain ay may malayang kalooban. (Ihambing ang Deuteronomio 30:19.) Gayunpaman, hindi nag-atubili si Jehova na sabihin ang ibubunga ng suwail na landasin ni Cain. Nagbabala siya kay Cain: “Kung hindi ka gagawa ng mabuti, ang kasalanan ay nakaabang sa pasukan, at ikaw ang hinahangad niyaon.”​—Genesis 4:6, 7.

      Kapansin-pansin na kahit sa ganitong mariing pagsaway, hindi pinakitunguhan ni Jehova si Cain na parang ‘wala na itong pag-asa.’ Sa halip, sinabi niya kay Cain ang mga pagpapalang naghihintay sa kaniya kung magbabago siya, at nagpahayag siya ng pagtitiwala na maaaring mapagtagumpayan ni Cain ang kaniyang suliranin kung nanaisin nitong gawin iyon. “Kung gagawa ka ng mabuti,” sabi ni Jehova, “hindi ba magkakaroon ng pagkakataas?” Tinanong din niya si Cain tungkol sa kaniyang nakamamatay na poot: “Mapananaigan mo naman ba iyon?”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share