Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Umasa kay Jehova Para sa Kaaliwan
    Ang Bantayan—1996 | Nobyembre 1
    • 6. (a) Ano ang nakaaaliw na ipinangako ng Diyos pagkatapos na mahulog sa pagkakasala ang sangkatauhan? (b) Anong hula hinggil sa kaaliwan ang binigkas ni Lamec?

      6 Nang sentensiyahan ang nagsulsol sa tao na magrebelde, si Jehova ay napatunayang ‘ang Diyos na naglalaan ng kaaliwan.’ (Roma 15:5) Ginawa niya ang gayon sa pamamagitan ng pangakong isusugo ang isang “binhi” na sa bandang huli ay magliligtas sa mga supling ni Adan buhat sa kapaha-pahamak na mga epekto ng pagrerebelde ni Adan. (Genesis 3:15) Pagsapit ng panahon, naglaan din ang Diyos ng mga pahiwatig tungkol sa pagliligtas na ito. Halimbawa, kinasihan niya si Lamec, isang malayong inapo ni Adan sa kaniyang anak na si Set, upang humula tungkol sa gagawin ng anak ni Lamec: “Ang isang ito ay magdadala sa atin ng kaaliwan mula sa ating gawa at mula sa kirot ng ating mga kamay na resultang mula sa lupa na isinumpa ni Jehova.” (Genesis 5:29) Kasuwato ng pangakong ito, ang bata ay pinanganlang Noe, na sa pagkaunawa ay nangangahulugang “Kapahingahan” o “Kaaliwan.”

  • Umasa kay Jehova Para sa Kaaliwan
    Ang Bantayan—1996 | Nobyembre 1
    • 8 Nilayon ni Jehova na puksain ang balakyot na sanlibutang iyon sa pamamagitan ng isang pangglobong baha, ngunit ipinagawa muna niya kay Noe ang isang daong upang magligtas ng buhay. Dahil dito, naligtas ang lahi ng tao at ang mga uri ng hayop. Gayon na lamang ang ginhawang nadama ni Noe at ng kaniyang pamilya nang lumabas sila mula sa daong tungo sa isang nilinis na lupa! Anong laking kaaliwang malaman na napawi na ang sumpa sa lupa, anupat ginawang mas madali ang pagtatanim! Oo, napatunayang totoo ang hula ni Lamec, at natupad ni Noe ang kahulugan ng kaniyang pangalan. (Genesis 8:21) Bilang tapat na lingkod ng Diyos, naging kasangkapan si Noe sa pagdudulot ng isang antas ng “kaaliwan” sa sangkatauhan. Gayunman, ang masamang impluwensiya ni Satanas at ng kaniyang mga demonyong anghel ay hindi nagwakas sa Baha, at ang sangkatauhan ay patuloy na dumaraing sa ilalim ng pasanin ng kasalanan, sakit, at kamatayan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share