Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Arka ni Noe at Arkitekturang Pambarko
    Gumising!—2007 | Enero
    • Ipinakikita ng ulat ng Genesis na ipinasiya ng Diyos na alisin ang labis na kasamaan sa lupa sa pamamagitan ng delubyo. Pinagawa niya si Noe ng arka upang iligtas sa malaking Bahang ito ang kaniyang sarili, ang kaniyang pamilya, at ang pangunahing uri ng mga hayop. Nagpagawa ang Diyos kay Noe ng arkang 300 siko ang haba, 50 siko ang lapad, at 30 siko ang taas. (Genesis 6:15) Sa katamtamang pagtantiya, ang arka ay mga 134 na metro ang haba, 22 metro ang lapad, at 13 metro ang taas.a Kaya may kabuuang volume ito na 40,000 metro kubiko na halos katumbas niyaong sa maluhong barkong Titanic.

  • Arka ni Noe at Arkitekturang Pambarko
    Gumising!—2007 | Enero
    • Matatag sa Dagat

      Ang haba ng arka ay anim na beses ng lapad nito at sampung beses naman ng taas nito. May gayunding proporsiyon ang maraming makabagong barko, pero ang proporsiyon ng haba at lapad nito ay iniaangkop sa lakas na kailangan para umusad ito sa dagat. Samantala, ang arka naman ay dinisenyo para lamang lumutang. Gaano ito katatag?

      Ang galaw ng sasakyang pandagat kapag hinampas ng hangin at alon ay tinatawag na seakeeping behavior. May kaugnayan din ito sa proporsiyon ng sasakyang pandagat. Inilalarawan ng Bibliya ang napakalakas na buhos ng ulan na naging sanhi ng Baha at binabanggit din nito na pagkaraan, ang Diyos ay nagpahihip ng hangin. (Genesis 7:11, 12, 17-20; 8:1) Hindi sinasabi ng Kasulatan kung gaano kalakas ang alon at hangin noon, pero malamang na napakalakas at pabagu-bago ito, gaya rin naman sa ngayon. Miyentras mas matagal at mas malakas ang bugso ng hangin, mas matataas at magkakalayo ang nalilikha nitong alon. Kahit ang mahinang pagyanig ng lupa ay maaari ding pagmulan ng malalakas na alon.

      Dahil sa proporsiyon ng arka, naging matatag ito anupat naiwasan ang pagtaob. Ang arka ay dinisenyo rin para hindi ito siklut-siklutin ng maunos na karagatan. Ang sobrang pagsiklut-siklot​—kapag iniangat ng alon ang isang dulo ng sasakyang pandagat at bumulusok ito​—ay magpapahirap nang husto sa mga tao at hayop na sakay nito. Ang pagsiklut-siklot ng sasakyang pandagat ay maaari ding magpahina sa istraktura nito. Kailangang matibay ang kayarian nito para hindi lumundo ang gitnang bahagi kapag sabay na iniangat ng malalaking alon ang magkabilang dulo ng sasakyang pandagat. Gayunman, kapag iniangat ng malaking alon ang pinakagitna ng arka, anupat walang suporta ang magkabilang dulo nito, lalaylay ang proa at popa nito. Sinabi ng Diyos kay Noe na ang haba ng arka ay gawing sampung beses ng taas nito. Dumanas muna ng masaklap na karanasan ang mga tagagawa ng barko bago nila natuklasang matatagalan pala ng barko ang mga puwersang ito kung mayroon itong gayong proporsiyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share