Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hayop, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Bago pa man ang Baha, pinapatay na ang mga hayop upang maglaan ng pananamit para sa tao at ng hain para sa paghahandog. (Gen 3:21; 4:4) Gayunman, pagkatapos ng Delubyo, binigyan na ni Jehova si Noe at ang kaniyang pamilya ng pahintulot na kumain ng karne ng hayop, sa kundisyon na patutuluin nila ang dugo nito. (Gen 9:3, 4) Bagaman pinahintulutan ang tao na pumatay ng mga hayop para sa kinakailangang pagkain, hindi siya pinahintulutang pumatay ng mga hayop para lamang sa kasiyahan sa pangangaso o para lamang itanghal ang kaniyang kakayahang mangaso, gaya ng walang alinlangang ginawa ni Nimrod, na naging rebelde sa Diyos.​—Gen 10:9.

  • Hayop, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Malilinis at Maruruming Hayop. Mapapansin na may ginawang pag-uuri-uri ng mga hayop nang tagubilinan ng Diyos si Noe na magpasok sa arka ng pito sa bawat malinis na hayop at dalawa sa bawat maruming hayop. (Gen 7:2, 3, 8, 9) Yamang hindi pa ipinahihintulot noon ang pagkain ng karne, malamang na ang pagkakaibang ito sa pagitan ng malinis at marumi ay batay sa kung ano ang kaayaaya kay Jehova bilang hain. Kaya naman, pagkalabas ni Noe sa arka, alam niya kung aling mga hayop ang malinis at angkop na ihandog sa ibabaw ng altar. (Gen 8:20) Noong panahong iyon ay walang anumang restriksiyon may kinalaman sa uri ng mga hayop na maaaring kainin ni Noe at ng kaniyang pamilya, gaya ng ipinahihiwatig ng mga salita ni Jehova: “Bawat gumagalang hayop na buháy ay magiging pagkain para sa inyo.”​—Gen 9:3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share