Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ham
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • HAM

      1. Isa sa tatlong anak ni Noe na isinilang pagkaraan ng 2470 B.C.E. (Gen 5:32; 7:6; 11:10) Posibleng siya ang bunsong anak (Gen 9:24); gayunman, pangalawa siyang itinala sa Genesis 5:32; 6:10; at sa iba pang talata. Sa Genesis 10:21, si Sem ay tinatawag na “kapatid ni Japet na pinakamatanda.” Naniniwala ang ilan na ang pananalitang “bunsong anak” sa Genesis 9:24 ay tumutukoy sa apo ni Noe na si Canaan.​—Tingnan ang CANAAN, CANAANITA Blg. 1.

  • Ham
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Nang maglaon ay nasangkot siya sa isang insidente na nagdala ng sumpa sa kaniyang anak na si Canaan. Nalango si Noe sa alak at naghubad sa loob ng kaniyang tolda. Nakita ni Ham ang kahubaran ng kaniyang ama, at sa halip na magpakita ng wastong paggalang kay Noe, ang ulo ng pamilya at ang lingkod at propeta na ginamit ng Diyos sa pagliligtas sa lahi ng tao, sinabi ni Ham sa dalawang kapatid niya ang kaniyang natuklasan. Nagpakita ng wastong paggalang sina Sem at Japet sa pamamagitan ng paglalakad nang paatras hawak ang isang balabal na maipantatakip kay Noe upang hindi sila magdala ng kadustaan sa pamamagitan ng pagtingin sa kahubaran ng kanilang ama. Nang magising si Noe, bumigkas siya ng isang sumpa, hindi para kay Ham, kundi para sa anak ni Ham na si Canaan. Sa kalakip na pagpapala kay Sem, na may kasamang pagpapala para kay Japet, si Ham ay nilampasan at ipinagwalang-bahala; si Canaan lamang ang binanggit na isinumpa at inihula na magiging alipin nina Sem at Japet.​—Gen 9:20-27.

      Posibleng si Canaan mismo ay tuwirang nasangkot sa insidenteng iyon at nabigo ang kaniyang amang si Ham na ituwid siya. O patiunang nakita ni Noe, na makahulang nagsalita sa ilalim ng pagkasi, na ang masamang hilig ni Ham, na marahil ay namamalas na sa kaniyang anak na si Canaan, ay mamanahin ng mga supling ni Canaan. Bahagyang natupad ang sumpa nang sakupin ng Semitikong mga Israelita ang mga Canaanita. Yaong mga hindi nalipol (tulad ng mga Gibeonita [Jos 9]) ay ginawang mga alipin ng Israel. Pagkaraan ng maraming siglo, nagkaroon ng higit pang katuparan ang sumpa nang ang mga inapo ng anak ni Ham na si Canaan ay mapasailalim sa pamumuno ng Japetikong mga kapangyarihang pandaigdig ng Medo-Persia, Gresya, at Roma.

      May-kamaliang ipinapalagay ng ilang tao na ang lahing itim at ang pang-aalipin sa mga kabilang sa lahing iyon ay bunga ng sumpa na binigkas kay Canaan. Sa kabaligtaran, ang mga inapo ni Canaan, na siyang isinumpa, ay hindi kabilang sa lahing itim. Ang lahing itim ay nanggaling kay Cus at posibleng mula kay Put, na iba pang mga anak ni Ham na hindi nasangkot sa insidente o sa sumpa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share