-
“Ako ay Sasaiyo Habang Nagsasalita Ka”Workbook sa Buhay at Ministeryo—2020 | Hunyo
-
-
“Ako ay Sasaiyo Habang Nagsasalita Ka”
Nadaig ni Moises ang takot sa tulong ni Jehova. Ano ang matututuhan natin sa sinabi ni Jehova kay Moises?
Huwag magpokus sa mga kahinaan natin
Makakaasa tayong ibibigay ni Jehova ang kailangan natin para magawa ang mga atas natin
Makakatulong ang pananampalataya sa Diyos para madaig ang takot sa tao
-
-
Kaya Mong Mangaral at Magturo!Workbook sa Buhay at Ministeryo—2020 | Hunyo
-
-
Kaya Mong Mangaral at Magturo!
Noong una, nag-alinlangan si Moises kung magagawa niya ang atas na ibinigay ni Jehova sa kaniya. (Exo 4:10, 13) Naramdaman mo na rin ba iyan? Nakikipag-aral ka ba ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova? Iniisip mo ba kung kaya mong mangaral sa bahay-bahay? O baka isa kang kabataan na natatakot magpatotoo sa school. O baka natatakot kang subukan ang telephone witnessing o ilang uri ng public witnessing. Manalangin kay Jehova at humingi ng banal na espiritu. (1Pe 4:11) Magtiwala kang tutulungan ka niyang magawa ang atas mo.—Exo 4:11, 12.
-