-
‘Ito ay Magiging Pinakaalaala sa Inyo’Ang Bantayan—2013 | Disyembre 15
-
-
9. Ayon sa Exodo 12:6, kailan dapat patayin ang kordero ng Paskuwa? (Tingnan din ang kahong “Anong Bahagi ng Araw?”)
9 Ayon sa The Pentateuch and Haftorahs, sinasabi ng Exodo 12:6 na ang kordero ay dapat patayin “sa pagitan ng dalawang gabi.” Ganiyan din ang pananalitang ginamit sa ibang mga bersiyon ng Bibliya. Isinalin naman ito ng iba, kabilang na ang Tanakh ng mga Judio, bilang “sa takipsilim.” Mayroon ding gumamit ng “sa dapit-hapon,” “pagkagat ng dilim,” o “paglubog ng araw.” Kaya ang kordero ay papatayin pagkalubog ng araw pero habang may liwanag pa, sa pasimula ng Nisan 14.
10. Ayon sa ilan, kailan isinasagawa ang pagpatay sa kordero, pero anong tanong ang bumabangon?
10 Nang maglaon, ipinalagay ng ilang Judio na maraming oras ang kinailangan para patayin ang lahat ng korderong dinadala noon sa templo. Kaya inisip nila na ang Exodo 12:6 ay tumutukoy sa pagtatapos ng Nisan 14, kapag nagsimula nang bumaba ang araw (pagkaraan ng katanghaliang-tapat) hanggang sa lumubog na ito. Pero kung gayon nga, kailan magsasalu-salo ang mga Israelita? Ayon kay Propesor Jonathan Klawans, isang eksperto sa sinaunang Judaismo, lumilitaw na gagawin nila iyon nang Nisan 15. Pero inamin niya na hindi ito direktang binabanggit sa aklat ng Exodo. Sinabi rin niya na hindi tinatalakay sa mga isinulat ng mga rabbi kung paano ipinagdiriwang ang Paskuwa bago winasak ang templo noong 70 C.E.
-