Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Diyos at Diyosa, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang Sampung Salot. Sa pamamagitan ng mga salot na pinasapit niya sa mga Ehipsiyo, hiniya ni Jehova ang kanilang mga diyos at nilapatan niya ang mga ito ng kahatulan. (Exo 12:12; Bil 33:4; MGA LARAWAN, Tomo 2, p. 530) Ang unang salot, nang gawing dugo ang Nilo at ang lahat ng tubig ng Ehipto, ay nagdulot ng kadustaan sa diyos-Nilo na si Hapi. Ang pagkamatay ng mga isda sa Nilo ay isa ring dagok sa relihiyon ng Ehipto, sapagkat ang ilang uri ng isda ay aktuwal na sinasamba at ginagawa pa ngang momya. (Exo 7:19-21) Ang palaka, na itinuturing na isang sagisag ng pag-aanak at kumakatawan sa konsepto ng mga Ehipsiyo hinggil sa pagkabuhay-muli, ay itinuturing na sagrado para sa diyosang-palaka na si Heqt. Kaya naman nagdulot ng kadustaan sa diyosang ito ang salot ng mga palaka. (Exo 8:5-14) Dahil sa ikatlong salot, kinilala ng mga mahikong saserdote ang kanilang pagkatalo nang hindi nila magawang mga niknik ang alabok sa pamamagitan ng kanilang mga lihim na sining. (Exo 8:16-19) Kinikilalang ang diyos na si Thoth ang umimbento ng mahika o mga lihim na sining, ngunit hindi natulungan kahit ng diyos na ito ang mga mahikong saserdote upang matularan nila ang ikatlong salot.

  • Diyos at Diyosa, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Ang pagkamatay ng mga panganay ang nagdulot ng pinakamatinding kahihiyan sa mga diyos at mga diyosa ng Ehipto. (Exo 12:12) Ang totoo, tinutukoy ng mga tagapamahala ng Ehipto ang kanilang sarili bilang mga diyos, mga anak ni Ra, o Amon-Ra. Sinasabing si Ra, o Amon-Ra, ay nakikipagtalik sa reyna. Kaya naman ang anak na isinisilang nito ay itinuturing na isang diyos na nagkatawang-tao at iniaalay kay Ra, o Amon-Ra, sa kaniyang templo. Dahil dito, ang kamatayan ng panganay ni Paraon, sa diwa, ay nangahulugan ng pagkamatay ng isang diyos. (Exo 12:29) Ito mismo ay isa nang matinding dagok sa relihiyon ng Ehipto, at nakita ang ganap na pagkainutil ng lahat ng mga bathala nang hindi nila nailigtas ang mga panganay ng mga Ehipsiyo mula sa kamatayan.​—Tingnan ang AMON Blg. 4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share