Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pag-alis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang isang ruta na bumabagtas sa Wadi Tumilat ay napakalayo sa dakong H ng Memfis anupat hindi magiging posible ang nabanggit na mga kalagayan. Sa dahilang ito, iminumungkahi ng maraming mas naunang komentarista ang isa sa mga kilaláng ruta “ng mga peregrino” na dumaraan sa Ehipto, gaya ng ruta ng el Haj na nagmumula sa Cairo patawid sa Suez (sinaunang Clysma, nang dakong huli ay Kolsum) sa bukana ng Gulpo ng Suez.

  • Pag-alis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Nagbago ang isip ni Paraon tungkol sa pagpapalaya sa mga Israelita nang mabalitaan niya ang kanilang pag-alis. Tiyak na ang pagkawala ng gayong bansang alipin ay mangangahulugan ng matinding dagok sa ekonomiya ng Ehipto. Hindi mahirap para sa kaniyang mga karo na abutan ang buong bansang ito na lumilikas, lalo na dahil “bumalik” sila. Ngayon, palibhasa’y iniisip niyang nagpapagala-gala ang Israel sa ilang dahil sa kalituhan, buong-pagtitiwala niya silang tinugis. Kasama ang pinakamagaling na hukbo na may 600 piling karo, ang lahat ng iba pang mga karo ng Ehipto na may sakay na mga mandirigma, ang kaniyang mga kabalyero, at ang lahat ng kaniyang hukbong militar, inabutan niya ang Israel sa Pihahirot.​—Exo 14:3-9.

      Waring napakapanganib ng posisyon ng mga Israelita noon. Maliwanag na sila’y nakulong sa pagitan ng dagat at ng kabundukan, anupat nakaharang ang mga Ehipsiyo sa likuran. Palibhasa’y iniisip na nasukol na sila, dinatnan ng takot ang puso ng mga Israelita at nagsimula silang magreklamo laban kay Moises. Ngayon ay kumilos ang Diyos upang ipagsanggalang ang Israel sa pamamagitan ng paglilipat ng ulap mula sa unahan tungo sa likuran. Sa isang panig, sa kinaroroonan ng mga Ehipsiyo ay madilim; sa kabila naman ay patuloy nitong pinagliliwanag ang gabi para sa Israel. Habang pinipigilan ng ulap ang mga Ehipsiyo mula sa pagsalakay, sa utos ni Jehova ay itinaas ni Moises ang kaniyang tungkod, at nahawi ang tubig ng dagat, anupat naiwang tuyo ang sahig ng dagat upang madaanan ng Israel.​—Exo 14:10-21.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share