Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ginantimpalaan ang Pananampalataya ng mga Magulang
    Ang Bantayan—1997 | Mayo 1
    • Ang anak na babae ni Joshebed, si Miriam, ay namalagi sa malapit upang makita kung ano ang susunod na mangyayari. Nang magkagayon ay pumunta ang anak na babae ni Faraon sa Nilo upang maligo.a Marahil ay alam ni Joshebed na madalas puntahan ng prinsesa ang dakong ito ng Nilo at sadyang iniwan ang baul sa lugar na madali itong matatagpuan. Sa paano man, napansin kaagad ng anak na babae ni Faraon ang baul na naroon sa gitna ng mga tambo, at tinawag niya ang isa sa kaniyang mga tagapaglingkod upang kunin ito. Nang makita niya ang umiiyak na bata sa loob, nahabag siya. Natanto niya na ito ay isang sanggol na Hebreo. Subalit, paano niya mapapayagang patayin ang gayong kagandang bata? Liban sa makataong kabaitan, maaaring ang anak na babae ni Faraon ay naimpluwensiyahan ng popular na paniniwalang Ehipsiyo na ang pagpasok sa langit ay depende sa rekord ng mabubuting gawa sa panahong nabubuhay pa ang isa.b​—Exodo 2:5, 6.

  • Ginantimpalaan ang Pananampalataya ng mga Magulang
    Ang Bantayan—1997 | Mayo 1
    • b Naniniwala ang mga Ehipsiyo na sa kamatayan ang espiritu ng isang tao ay bibigkas ng mga patotoo sa harap ni Osiris na gaya ng “Hindi ko pinighati ang sinumang tao,” “Hindi ko ikinait ang gatas sa bibig ng mga pasusuhin,” at “Pinagkalooban ko ng tinapay ang gutóm at ng inumin ang uháw.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share