Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isang Bagay na Nakahihigit Kaysa sa mga Kayamanan ng Ehipto
    Ang Bantayan—2002 | Hunyo 15
    • Pagpapalaki at Edukasyon

      “Kinuha [ni Jokebed] ang bata at inalagaan ito. At lumaki ang bata. Nang magkagayon ay dinala niya ito sa anak ni Paraon, kung kaya naging anak niya ito.” (Exodo 2:9, 10) Hindi sinasabi ng Bibliya kung gaano katagal tumira si Moises kasama ng kaniyang likas na mga magulang. Iniisip ng ilan na maaaring ito ay hanggang sa siya ay maawat sa suso​—dalawa o tatlong taon​—subalit maaaring mas matagal pa. Binabanggit lamang ng Exodo na siya ay “lumaki” na kasama ng kaniyang mga magulang, na maaaring mangahulugan ng pagsapit sa kahit na anong edad. Sa anumang kalagayan, tiyak na ginamit nina Amram at Jokebed ang panahon upang malaman ng kanilang anak na siya ay mula sa mga Hebreo at maturuan siya tungkol kay Jehova. Sa dakong huli lamang naisiwalat kung gaano sila katagumpay sa pagkikintal sa puso ni Moises ng pananampalataya at pag-ibig sa katuwiran.

  • Isang Bagay na Nakahihigit Kaysa sa mga Kayamanan ng Ehipto
    Ang Bantayan—2002 | Hunyo 15
    • [Kahon sa pahina 11]

      Mga Kontrata ng mga Tagapag-alagang Nagpapasuso

      Karaniwang pinasususo ng mga ina ang kanilang sariling mga sanggol. Gayunman, ganito ang sabi ng iskolar na si Brevard Childs sa Journal of Biblical Literature, “sa ilang pagkakataon, umuupa ang mga kabilang sa maharlikang sambahayan [malapit sa Silangan] ng isang tagapag-alagang nagpapasuso. Ang kaugaliang ito ay karaniwan din kung saan hindi mapasuso ng ina ang kaniyang anak o kung di-kilala ang ina. Tinatanggap ng tagapag-alaga ang pananagutan sa pagpapalaki sa bata gayundin sa pagpapasuso rito sa loob ng itinakdang panahon.” Naingatan ang ilang papiro ng mga kontrata ng tagapag-alagang nagpapasuso mula sa Malapit na Silangan noong unang panahon. Pinatutunayan ng mga dokumentong ito ang malaganap na gawain mula noong panahon ng Sumeriano hanggang noong dakong huli nang panahon ng mga Griego (Hellenistic) sa Ehipto. Karaniwang tampok sa mga dokumentong ito ang mga kasunduan ng mga indibiduwal na nasasangkot, ang panahong saklaw ng kontrata, ang mga kalagayan ng trabaho, mga detalye may kinalaman sa pagkain, mga multa sa pagsira sa kontrata, sahod, at ang paraan ng pagpapasahod. Karaniwan na, “ang pag-aalaga ay lumalampas sa mahigit na dalawa o tatlong taon,” ang paliwanag ni Childs. “Pinalalaki ng tagapag-alagang nagpapasuso ang bata sa kaniyang sariling bahay, subalit kung minsan ay hinihilingang isauli ang bata sa may-ari nito para sa pagsisiyasat.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share