Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—2006 | Enero 15
    • Di-nagtagal pagkatapos ng pagliligtas sa kanila sa Ehipto, nagsimulang magbulung-bulungan ang mga Israelita tungkol sa pagkain. Kaya pinaglaanan sila ni Jehova ng manna. (Exodo 12:17, 18; 16:1-5) Nang panahong iyon, tinagubilinan ni Moises si Aaron: “Kumuha ka ng isang banga at lagyan mo iyon ng isang omer na punô ng manna at ilagay mo iyon sa harap ni Jehova bilang bagay na iingatan sa lahat ng inyong mga salinlahi.” Sinabi ng ulat: “Gaya ng iniutos ni Jehova kay Moises, inilagay iyon ni Aaron sa harap ng Patotoo [isang imbakan para sa pag-iingat ng importanteng mga dokumento] bilang bagay na iingatan.” (Exodo 16:33, 34) Bagaman walang-alinlangang nakapagtipon na ng manna si Aaron sa isang banga noong panahong iyon, nailagay lamang ito sa harap ng Patotoo nang matapos na ni Moises ang Kaban at mailagay na roon ang mga tapyas.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—2006 | Enero 15
    • Inilaan ng Diyos ang manna nang pansamantalang manirahan ang mga Israelita sa ilang sa loob ng 40 taon. Hindi na iyon inilaan nang ‘magsimula silang kumain ng ani ng lupang’ ipinangako. (Josue 5:11, 12) May layunin ang paglalagay ng tungkod ni Aaron sa kaban ng tipan​—bilang pinakatanda o patotoo laban sa mapaghimagsik na salinlahi. Ipinahihiwatig nito na ang tungkod ay nanatili roon habang naglalakbay sila sa ilang. Kung gayon, waring makatuwirang sabihin na mga ilang panahon matapos pumasok ang mga Israelita sa Lupang Pangako at bago ialay ang templo ni Solomon, ang tungkod ni Aaron at ang ginintuang banga ng manna ay inalis na sa kaban ng tipan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share