Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kanino Nakatingin ang Iyong mga Mata?
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2018 | Hulyo
    • 5-7. Anong problema ang bumangon hindi pa natatagalan matapos umalis sa Ehipto ang mga Israelita, at ano ang ginawa ni Moises?

      5 Wala pang dalawang buwan matapos umalis ang mga Israelita sa Ehipto, isang seryosong problema ang bumangon—bago pa man sila makarating sa Bundok Sinai. Nagreklamo ang bayan dahil sa kawalan ng tubig. Nagbulong-bulungan sila laban kay Moises, at lumala pa ang sitwasyon kaya dumaing si Moises kay Jehova: “Ano ang gagawin ko sa bayang ito? Kaunti pa at babatuhin na nila ako!” (Ex. 17:4) Binigyan ni Jehova si Moises ng malinaw na mga tagubilin. Kukunin niya ang tungkod niya at ihahampas sa bato sa Horeb, at lalabas ang tubig. Mababasa natin: “Gayon ang ginawa ni Moises sa paningin ng matatandang lalaki ng Israel.” Uminom ang mga Israelita hanggang sa mapawi ang uhaw nila, at nalutas ang problema.—Ex. 17:5, 6.

  • Kanino Nakatingin ang Iyong mga Mata?
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2018 | Hulyo
    • 11. Sa paghampas ni Moises sa bato, bakit posibleng walang mag-iisip na himala iyon ni Jehova?

      11 May isa pang posibleng dahilan. Napakatigas ng mga bato sa lugar ng unang Meriba. Kaya kahit anong hampas mo rito, walang lalabas na tubig. Pero ang mga bato sa ikalawang Meriba ay karaniwang binubuo ng malalambot na batong-apog. Dahil maraming maliliit na butas ang mga ito, kadalasan nang may nakaimbak na tubig sa ilalim nito na puwedeng pagkunan ng suplay. Kaya nang hampasin ni Moises nang dalawang beses ang batong-apog na iyon, may mag-iisip ba na himala iyon ni Jehova gayong natural lang naman na may lumabas na tubig doon? Sa paghampas ni Moises sa bato, sa halip na magsalita dito, hindi kaya pinalilitaw niyang siya ang gumawa ng himala sa halip na si Jehova?b Hindi tayo nakatitiyak.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share