-
Ang Pagpapagala-gala ng Israel sa IlangKaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
-
-
Pagkaalis sa Ehipto, tinipon ni Jehova ang mga Israelita sa Bundok Sinai (na ang malamang na lokasyon ay ipinakikita sa ibaba). Dito’y ibinigay niya sa kanila ang kaniyang mga kautusan sa pamamagitan ni Moises, at inorganisa niya sila upang maging isang bansa. Pagkatapos nito, maaari na sanang pumasok ang mga Israelita sa Lupang Pangako sa loob ng maikling panahon, ngunit hindi nila ito nagawa. Bakit? Sapagkat sa kabila ng lahat ng ginawa ni Jehova para sa kanila, sila’y hindi nanampalataya. Naghimagsik sila laban kay Moises, na siyang inatasan ng Diyos na manguna sa kanila. Matapos nilang piliing maniwala sa masamang ulat tungkol sa Canaan, inasam-asam ng mga Israelita na ibalik sila sa Ehipto! (Bil 14:1-4) Dahil dito’y mabilis na naggawad ng hatol si Jehova: Apatnapung taon muna ang palilipasin bago makapasok sa Lupang Pangako ang bansa. Pagsapit ng panahong iyon, patay na ang walang-pananampalatayang mga indibiduwal ng salinlahing iyon.
-