-
Ano ang Kahulugan sa Iyo ng Sampung Utos?Ang Bantayan—1989 | Nobyembre 15
-
-
Pagkatapos nito, si Jehova ay nagbigay kay Moises ng mga tagubilin tungkol sa iba pang banal na mga kautusan para sa Israel. (Exodo 20:4–23:19) Lahat-lahat ang mga ito’y umabot sa mga 600 kautusan. At anong laking kagalakan na malamang ang bansa’y pinangungunahan ng anghel ng Diyos upang maghanda ng daan nang sila’y patungo sa Lupang Pangako! (Exodo 23:20-22) Sinabi ni Jehova: “Sa harap ng buong bayan ay gagawa ako ng mga kababalaghan na kailanma’y hindi ginawa sa buong lupa o sa alinmang bansa; at ang buong bayan sa gitna ng iyong kinaroroonan ay makakakita ng gawa ni Jehova, sapagkat kakila-kilabot na bagay ang aking gagawin sa pamamagitan mo.” Kapalit nito, ano naman ang hiniling ng Diyos sa kaniyang bayan? “Sa ganang iyo ay tuparin mo ang mga iniuutos ko sa iyo sa araw na ito.” Oo, ang pagsunod sa lahat ng mga kautusan at alituntunin ni Jehova ay isang mahigpit na utos.—Exodo 34:10, 11.
-
-
Ano ang Kahulugan sa Iyo ng Sampung Utos?Ang Bantayan—1989 | Nobyembre 15
-
-
Subalit kumusta naman ang ikaapat na utos, na may kaugnayan sa araw ng Sabbath? Ang utos na ito ay tungkol sa paggalang sa mga bagay na banal, gaya ng noong nakaraa’y ipinabatid ni Jehova nang kaniyang itatag ang “pangingilin ng sabbath” may kaugnayan sa pangunguha ng maná. (Exodo 16:22-26) Dahilan sa ang mga ibang Israelita ay hindi kaagad sumunod, malinaw na ipinaalaala sa kanila ni Jehova na kaniyang binigyan sila ng utos na iyon. “‘Tandaan ninyo na ibinigay sa inyo ni Jehova ang araw ng sabbath.’ . . . At ang bayan ay namahinga sa sabbath nang ikapitong araw.” (Exodo 16:29, 30) Nang malaunan, ipinakita ni Jehova na ang kaayusang ito’y natatangi lamang para sa isa, na ang sabi: “Ito’y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailanman.”—Exodo 31:17.
-