Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kailan Nagsisimula ang Buhay ng Tao?
    Gumising!—1990 | Oktubre 8
    • Ang Buhay ng Hindi Pa Isinisilang ay Mahalaga

      Kaya, ang di pa isinisilang na sanggol na lumalaki sa loob ng bahay-bata ay higit pa sa isang kimpal lamang ng mga himaymay. Napakahalaga nito, at sa kadahilanang ito, sinabi ng Diyos na ang isang tao’y papananagutin sa pinsala sa isang di pa isinisilang na sanggol. Ang kaniyang batas sa Exodo 21:22, 23 ay nagbababala: “At kung may mag-away at makasakit ng isang babaing buntis na anupa’t makunan at gayunma’y walang aksidenteng nakamamatay na sumunod, ay tunay na pagbabayarin siya ayon sa iatang sa kaniya ng asawa ng babae; at siya’y magbabayad ng ayon sa ipasiya ng mga hukom. Datapuwat kung may anumang aksidenteng nakamamatay na sumunod, magbabayad ka nga ng buhay kung buhay.”

      Isinasalin ng ilang Bibliya ang mga talatang nabanggit sa paraan na ang pansin ay itinutuon sa kung ano ang mangyari sa babae. Gayunman, ang orihinal na tekstong Hebreo ay itinutuon ang pansin sa isang aksidenteng nakamamatay alin sa ina o sa bata.a Kaya nga, ang sinadyang paglalaglag upang maiwasan lamang ang pagsilang ng isang inaayawang sanggol ay sadyang pagpatay.

  • Kailan Nagsisimula ang Buhay ng Tao?
    Gumising!—1990 | Oktubre 8
    • a Ang pangngalang “aksidenteng nakamamatay” (Hebreo, ’a·sohnʹ) ay walang espisipikong kaugnayan sa “isang babaing nagdadalang-tao”; kaya, ang mortal na aksidente ay hindi natatakdaan sa babae kundi wasto ring kasama ang “kaniyang mga anak” sa bahay-bata.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share