Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Handog, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Mga handog na ikinakaway. Sa mga handog na ikinakaway, maliwanag na inilalagay ng saserdote ang kaniyang mga kamay sa ilalim ng mga kamay ng mananamba, na siyang may hawak ng haing ihahandog, at pagkatapos ay ikakaway niya ang mga iyon; o ang saserdote mismo ang magkakaway sa handog. (Lev 23:11a) Bilang tagapamagitan ng tipang Kautusan, waring ginawa ito ni Moises para kay Aaron at sa mga anak nito noong italaga niya sila sa pagkasaserdote. (Lev 8:28, 29) Ang pagkilos na ito ay sumasagisag sa paghahandog ng mga hain kay Jehova. Ang ilang handog na ikinakaway ay napupunta sa mga saserdote bilang kanilang takdang bahagi.​—Exo 29:27.

  • Handog, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Mga sagradong bahagi. Ang salitang Hebreo na teru·mahʹ ay isinasalin kung minsan bilang “sagradong bahagi” kapag tumutukoy sa bahagi ng hain na itinataas mula sa hain bilang takdang bahagi na para sa mga saserdote. (Exo 29:27, 28; Lev 7:14, 32; 10:14, 15) Ang salitang ito ay malimit ding isalin bilang “abuloy,” kapag tumutukoy sa mga bagay na ibinigay sa santuwaryo, na, maliban sa mga inihahain sa altar, napupunta rin sa mga saserdote para sa kanilang panustos.​—Bil 18:8-13, 19, 24, 26-29; 31:29; Deu 12:6, 11.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share