Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Sino ang Nakaaalam ng Pag-iisip ni Jehova?”
    Ang Bantayan—2010 | Oktubre 15
    • 13. Paano tumutulong sa atin ang pagkaunawa sa pag-iisip ni Jesus?

      13 Ang pagkaunawa sa pag-iisip ni Jesus ay tumutulong sa atin na maintindihan ang mga teksto sa Bibliya na maaaring mahirap maunawaan. Halimbawa, pansinin ang sinabi ni Jehova kay Moises nang gumawa ang mga Israelita ng ginintuang guya para sambahin: “Tiningnan ko ang bayang ito at narito, ito ay isang bayang matigas ang leeg. Kaya ngayon ay pabayaan mo ako, upang lumagablab ang aking galit laban sa kanila at malipol ko sila, at gagawin kitang isang dakilang bansa.”​—Ex. 32:9, 10.

      14. Ano ang reaksiyon ni Moises sa sinabi ni Jehova?

      14 Nagpatuloy ang ulat: “Pinalambot ni Moises ang mukha ni Jehova na kaniyang Diyos at sinabi: ‘O Jehova, bakit lalagablab ang iyong galit laban sa iyong bayan na inilabas mo mula sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng isang malakas na kamay? Bakit sasabihin ng mga Ehipsiyo, “Dahil sa masamang layon ay inilabas niya sila upang patayin sila sa gitna ng mga bundok at lipulin sila mula sa ibabaw ng lupa”? Iurong mo ang iyong nag-aapoy na galit at magbago ka ng isip tungkol sa kasamaan laban sa iyong bayan. Alalahanin mo si Abraham, si Isaac at si Israel na iyong mga lingkod, na sa kanila ay ipinanumpa mo ang iyong sarili, anupat sinabi mo sa kanila, “Pararamihin ko ang inyong binhi tulad ng mga bituin sa langit, at ang buong lupaing ito na aking itinalaga ay ibibigay ko sa inyong binhi, upang ariin nga nila ito hanggang sa panahong walang takda.”’ At si Jehova ay nagbago ng isip tungkol sa kasamaan na sinalita niyang gagawin sa kaniyang bayan.”​—Ex. 32:11-14.a

      15, 16. (a) Anong pagkakataon ang ibinigay ni Jehova kay Moises? (b) Sa anong diwa “nagbago ng isip” si Jehova?

      15 Kailangan ba talagang ituwid ni Moises ang pag-iisip ni Jehova? Hinding-hindi! Bagaman sinabi ni Jehova ang iniisip niyang gawin, puwede pa naman itong mabago. Sa diwa, sinusubok lang ni Jehova si Moises, gaya ng pagsubok ni Jesus kay Felipe at sa babaing Griego. Binigyan si Moises ng pagkakataong sabihin ang niloloob niya.b Inatasan ni Jehova si Moises na maging tagapamagitan Niya at ng Israel, at iginalang Niya ang papel na ito ni Moises. Masisiraan kaya ng loob si Moises? Hihimukin kaya niya si Jehova na kalimutan ang Israel at gumawa na lang ng isang malaking bansa mula sa kaniyang mga inapo?

  • “Sino ang Nakaaalam ng Pag-iisip ni Jehova?”
    Ang Bantayan—2010 | Oktubre 15
    • b Ayon sa ilang iskolar, ang Hebreong pananalitang “pabayaan mo ako” sa Exodo 32:10 ay maaaring mangahulugan ng isang paanyaya​—isang pahiwatig na si Moises ay pinahihintulutang mamagitan, o ‘tumayo sa puwang,’ sa gitna ni Jehova at ng bansa. (Awit 106:23; Ezek. 22:30) Kaya naman malayang nasabi ni Moises kay Jehova ang kaniyang opinyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share