Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Sino ang Nakaaalam ng Pag-iisip ni Jehova?”
    Ang Bantayan—2010 | Oktubre 15
    • 14. Ano ang reaksiyon ni Moises sa sinabi ni Jehova?

      14 Nagpatuloy ang ulat: “Pinalambot ni Moises ang mukha ni Jehova na kaniyang Diyos at sinabi: ‘O Jehova, bakit lalagablab ang iyong galit laban sa iyong bayan na inilabas mo mula sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan at ng isang malakas na kamay? Bakit sasabihin ng mga Ehipsiyo, “Dahil sa masamang layon ay inilabas niya sila upang patayin sila sa gitna ng mga bundok at lipulin sila mula sa ibabaw ng lupa”? Iurong mo ang iyong nag-aapoy na galit at magbago ka ng isip tungkol sa kasamaan laban sa iyong bayan. Alalahanin mo si Abraham, si Isaac at si Israel na iyong mga lingkod, na sa kanila ay ipinanumpa mo ang iyong sarili, anupat sinabi mo sa kanila, “Pararamihin ko ang inyong binhi tulad ng mga bituin sa langit, at ang buong lupaing ito na aking itinalaga ay ibibigay ko sa inyong binhi, upang ariin nga nila ito hanggang sa panahong walang takda.”’ At si Jehova ay nagbago ng isip tungkol sa kasamaan na sinalita niyang gagawin sa kaniyang bayan.”​—Ex. 32:11-14.a

  • “Sino ang Nakaaalam ng Pag-iisip ni Jehova?”
    Ang Bantayan—2010 | Oktubre 15
    • 16 Makikita sa reaksiyon ni Moises na siya’y nananampalataya at nagtitiwala sa katarungan ni Jehova. Makikita rin na mas mahalaga sa kaniya ang pangalan ni Jehova kaysa sa sarili niyang kapakanan. Ayaw niya itong masiraang-puri. Sa gayon ay ipinakita ni Moises na nauunawaan niya ang “pag-iisip ni Jehova” sa bagay na iyon. (1 Cor. 2:16) Ano ang resulta? Dahil hindi pa naman nakapagpapasiya si Jehova sa iniisip niyang gawin, sinasabi ng kinasihang ulat na siya’y “nagbago ng isip.” Sa Hebreo, ang pananalitang ito ay puwedeng basta mangahulugan lang na hindi na itinuloy ni Jehova ang kapahamakang iniisip niyang pasapitin sa buong bansa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share