Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Josue
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • 1. Anak ni Nun; isang Efraimita na naglingkod kay Moises at nang maglaon ay inatasan bilang kaniyang kahalili. (Exo 33:11; Deu 34:9; Jos 1:1, 2) Inilalarawan ng Kasulatan si Josue bilang isang matapang at walang-takot na lider, isa na nagtiwala sa katiyakan ng mga pangako ni Jehova, masunurin sa utos ng Diyos, at determinadong maglingkod kay Jehova nang may katapatan. Ang kaniyang orihinal na pangalan ay Hosea, ngunit tinawag siya ni Moises na Josue o Jehosua. (Bil 13:8, 16) Gayunman, hindi isinisiwalat ng ulat ng Bibliya kung kailan nakilala si Hosea bilang Josue.

  • Josue
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Dahil sa pagsamba sa guya, sinira ng mga Israelita ang pormal na tipan na ipinakipagtipan nila sa Diyos na Jehova. Maaaring ito ang dahilan kung bakit inilipat ni Moises ang kaniyang tolda (ang “tolda ng kapisanan”) mula sa lugar na pinagkakampuhan ng bayan, yamang hindi pa sila napatatawad ni Jehova sa kanilang pagkakasala at sa gayon ay wala na siya sa gitna ng Israel. Marahil upang hindi makapasok ang mga Israelita sa tolda ng kapisanan habang nasa kanilang maruming kalagayan, nananatili roon si Josue kailanma’t bumabalik si Moises sa kampo ng mga Israelita.​—Exo 33:7-11; 34:9.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share