Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Patuloy na Magpamalas ng Kabutihan
    Ang Bantayan—2002 | Enero 15
    • 10. Anong mga aspekto ng kabutihan ni Jehova ang binanggit sa Exodo 34:6, 7?

      10 Sa pamamagitan ng espirituwal na liwanag mula sa Salita ng Diyos at sa tulong ng banal na espiritu ng Diyos, maaari tayong ‘patuloy na gumawa ng mabuti.’ (Roma 13:3) Sa pamamagitan ng regular na pag-aaral ng Bibliya, lalo tayong natututo nang higit kung paano natin matutularan ang kabutihan ni Jehova. Tinalakay ng naunang artikulo ang mga aspekto ng kabutihan ng Diyos na binanggit sa kapahayagan ni Moises na nakaulat sa Exodo 34:6, 7, kung saan mababasa natin: “Si Jehova, si Jehova, isang Diyos na maawain at magandang-loob, mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan at katotohanan, nag-iingat ng maibiging-kabaitan sa libu-libo, nagpapaumanhin sa kamalian at pagsalansang at kasalanan, ngunit sa anumang paraan ay wala siyang pinaliligtas sa kaparusahan.” Ang masusing pagsusuri sa mga aspektong ito ng kabutihan ni Jehova ay tutulong sa atin upang ‘patuloy na gumawa ng mabuti.’

  • Patuloy na Magpamalas ng Kabutihan
    Ang Bantayan—2002 | Enero 15
    • 14. Bakit tayo dapat na maging mapagpatawad?

      14 Ang kapahayagan ng Diyos kay Moises ay dapat ding mag-udyok sa atin na maging mapagpatawad, sapagkat si Jehova ay handang magpatawad. (Mateo 6:14, 15) Sabihin pa, pinarurusahan ni Jehova ang mga di-nagsisising nagkasala. Kung gayon ay dapat nating itaguyod ang kaniyang mga pamantayan sa kabutihan may kaugnayan sa pagpapanatili sa espirituwal na kalinisan ng kongregasyon.​—Levitico 5:1; 1 Corinto 5:11, 12; 1 Timoteo 5:22.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share