Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagbabayad-sala, Araw ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Pagkalabas mula sa Kabanal-banalan, si Aaron ay kukuha ng dugo ng toro, papasok sa silid na ito dala ang dugo, at pitong ulit niyang iwiwisik iyon sa pamamagitan ng kaniyang daliri sa harap ng takip ng Kaban sa dakong S. Sa gayon ay natatapos ang pagbabayad-sala para sa mga saserdote, anupat nagiging malinis sila at maaari nang mamagitan kay Jehova at sa kaniyang bayan.​—Lev 16:14.

  • Pagbabayad-sala, Araw ng
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Inihahain noon ni Aaron ang toro para sa mga saserdote at sa iba pang miyembro ng tribo ni Levi, anupat iwiniwisik niya ang dugo nito sa Kabanal-banalan. (Lev 16:11, 14) Sa katulad na paraan, iniharap ni Kristo ang halaga ng kaniyang dugo sa Diyos sa langit, kung saan makikinabang dito yaong mga mamamahalang kasama niya bilang mga saserdote at mga hari. (Apo 14:1-4; 20:6) Inihahain din noon ang kambing na para kay Jehova at iwiniwisik ang dugo nito sa harap ng Kaban na nasa Kabanal-banalan, para naman sa kapakinabangan ng di-makasaserdoteng mga tribo ng Israel. (Lev 16:15) Sa gayunding paraan, hindi lamang ang makasaserdoteng espirituwal na Israel ang nakikinabang sa iisang hain ni Jesu-Kristo, kundi pati ang sangkatauhan. Dalawang kambing ang kinailangan noon, sapagkat hindi posibleng ihain ang isang kambing at pagkatapos ay gamitin iyon upang dalhin ang mga kasalanan ng Israel. Ang dalawang kambing ay tinutukoy bilang isang handog ukol sa kasalanan (Lev 16:5) at itinuturing na magkapantay hanggang sa mapagpalabunutan, na nagpapahiwatig na iisa ang isinasagisag ng mga iyon. Kaayon nito, hindi lamang inihain si Jesu-Kristo kundi dinala rin niya ang mga kasalanan ng sangkatauhan na alang-alang sa kanila ay namatay siya bilang hain.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share