Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pinahahalagahan Mo ba ang Buhay Gaya ng Pagpapahalaga Rito ng Diyos?
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
    • 5, 6. Paano ipinakita ng Kautusang Mosaiko na sagrado at mahalaga ang dugo? (Tingnan din ang kahong “Igalang ang Buhay ng mga Hayop.”)

      5 Ang dalawang napakahalagang katotohanang ito ay makikita rin sa Kautusang Mosaiko. Sinasabi sa Levitico 17:10, 11: “Kung tungkol sa sinumang tao . . . na kakain ng anumang uri ng dugo, itatalaga ko nga ang aking mukha laban sa kaluluwa na kumakain ng dugo, at talagang lilipulin ko siya mula sa kaniyang bayan. Sapagkat ang kaluluwa ng laman ay nasa dugo, at ako mismo ang naglagay niyaon sa ibabaw ng altar upang maipambayad-sala ninyo para sa inyong mga kaluluwa, sapagkat ang dugo ang nagbabayad-sala dahil sa kaluluwa na naroroon.”a​—Tingnan ang kahong “Ang Bisa ng Dugo Bilang Pambayad-Sala.”

      ANG BISA NG DUGO BILANG PAMBAYAD-SALA

      Sinasabi ng Salita ng Diyos na ang dugo ay katumbas ng buhay. Kaya kapag nilabag ng isang Israelita ang mga utos ni Jehova at nagsisi, maaari siyang maghandog ng isang haing hayop sa altar ng Diyos sa halip na tumanggap ng Kaniyang hatol. (Levitico 4:27-31) Nagsisilbing pambayad-sala ang haing ito para sa kaniyang mga kasalanan. Subalit ito ay pansamantala lamang.

      Sa Bibliya, ang “pambayad-sala” ay nagpapahiwatig ng ideya ng “pamalit” o “pantakip,” gaya ng isang takip na sukat na sukat sa isang lalagyan. Siyempre, walang hayop ang eksaktong ‘maipantatakip,’ o maipambabayad-sala, sa mga kasalanan ng tao. Gayunpaman, ang mga haing hayop ay nagsilbing anino ng sakdal na haing pambayad-sala na darating.​—Hebreo 10:1, 4.

      Ang pambayad-salang ito ay inilaan “sa pamamagitan ng paghahandog ng katawan ni Jesu-Kristo nang minsanan.” (Hebreo 10:10) Ang sakdal na buhay ni Kristo bilang tao, na kinakatawanan ng kaniyang “mahalagang dugo, tulad niyaong sa walang-dungis at walang-batik na kordero,” ay katumbas na katumbas ng buhay na naiwala ni Adan. (1 Pedro 1:19) Kaya sa napakaganda at maibiging paraan, natugunan ang hinihiling ng katarungan, at naging posible ang ating “walang-hanggang katubusan.”​—Hebreo 9:11, 12; Juan 3:16; Apocalipsis 7:14.

  • Pinahahalagahan Mo ba ang Buhay Gaya ng Pagpapahalaga Rito ng Diyos?
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
    • a May kaugnayan sa binanggit ng Diyos na “ang kaluluwa ng laman ay nasa dugo,” sinabi ng babasahing Scientific American: “Bagaman ang dugo ay sumasagisag sa buhay, maaari din itong unawain sa literal na paraan: ang bawat uri ng selula ng dugo ay kailangan upang mapanatili ang buhay.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share