-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan—2000 | Oktubre 15
-
-
Si Jehova, na siyang pinagkakautangan natin ng ating buhay, ay nag-utos na ang dugo ay hindi dapat kainin. (Genesis 9:3, 4) Sa Kautusan sa sinaunang Israel, ipinagbawal ng Diyos ang paggamit ng dugo sapagkat kinakatawan nito ang buhay. Iniutos niya: “Ang kaluluwa [o buhay] ng laman ay nasa dugo, at ako mismo ang naglagay niyaon sa ibabaw ng altar upang maipambayad-sala ninyo para sa inyong mga kaluluwa.” Paano kung kinatay ng isang tao ang hayop upang kainin? Sinabi ng Diyos: “Ibubuhos nga niya ang dugo niyaon at tatakpan niya iyon ng alabok.”a (Levitico 17:11, 13) Muli’t muling inulit ni Jehova ang utos na ito. (Deuteronomio 12:16, 24; 15:23) Ganito ang sabi ng Judiong Soncino Chumash: “Ang dugo ay hindi dapat imbakin kundi dapat ituring ito na di-angkop kainin sa pamamagitan ng pagbubuhos nito sa lupa.” Walang Israelita ang kukuha, mag-iimbak, at gagamit ng dugo ng ibang nilalang, na ang buhay ay pag-aari ng Diyos.
-
-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan—2000 | Oktubre 15
-
-
Sa pana-panahon, hihimukin ng isang doktor ang isang pasyente na magdeposito ng kaniyang sariling dugo mga ilang linggo bago ang operasyon (preoperative autologous blood donation, o PAD) upang kapag nangailangan, maaari niyang salinan ang pasyente ng sariling dugo nito na nakaimbak. Gayunman, ang gayong pagtitipon, pag-iimbak, at pagsasalin ng dugo ay tuwirang sumasalungat sa sinasabi sa Levitico at sa Deuteronomio. Ang dugo ay hindi dapat imbakin; ito’y dapat na ibuhos—ibalik sa Diyos, wika nga. Totoo, wala nang bisa ngayon ang Kautusang Mosaiko. Sa kabila nito, iginagalang ng mga Saksi ni Jehova ang mga simulaing inilakip ng Diyos dito, at sila’y determinado na ‘umiwas sa dugo.’ Kaya, hindi tayo nag-aabuloy ng dugo, ni nag-iimbak tayo para sa pagsasalin ng ating dugo na dapat na ‘ibuhos.’ Ang gawaing iyan ay sumasalungat sa kautusan ng Diyos.
-
-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan—2000 | Oktubre 15
-
-
a Si Propesor Frank H. Gorman ay sumulat: “Ang pagbubuhos ng dugo ay madaling maunawaan bilang isang gawa ng pagpipitagan na nagpapakita ng paggalang sa buhay ng hayop at, sa gayon, paggalang sa Diyos, na lumikha at patuloy na nagmamalasakit sa buhay na iyan.”
-