Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kung Ano ang Ibig Sabihin ng Ibigin ang Ating Kapuwa
    Ang Bantayan—2006 | Disyembre 1
    • Sino ang Aking Kapuwa?

      4. Ayon sa Levitico kabanata 19, kanino dapat magpakita ng pag-ibig ang mga Judio?

      4 Nang sabihin niya sa mga Pariseo na ang ikalawang pinakadakilang utos ay ang ibigin ang kapuwa gaya ng sarili, tinutukoy ni Jesus ang isang espesipikong kautusang ibinigay sa Israel. Nakaulat ito sa Levitico 19:18. Sa kabanata ring iyon, sinabihan ang mga Judio na bukod sa mga kapuwa Israelita, dapat din nilang ituring ang iba bilang kanilang kapuwa. Ganito ang sinasabi sa talata 34: “Ang naninirahang dayuhan na naninirahan bilang dayuhan na kasama ninyo ay dapat na maging katulad ng katutubo ninyo; at iibigin mo siya na gaya ng iyong sarili, sapagkat kayo ay naging mga naninirahang dayuhan sa lupain ng Ehipto.” Kaya maging ang mga di-Judio, lalo na ang mga proselita, ay dapat pakitunguhan nang may pag-ibig.

  • Kung Ano ang Ibig Sabihin ng Ibigin ang Ating Kapuwa
    Ang Bantayan—2006 | Disyembre 1
    • Kung Ano ang Ibig Sabihin ng Ibigin ang Ating Kapuwa

      8. Ano ang sinasabi ng Levitico kabanata 19 tungkol sa kung paano dapat ipakita ang pag-ibig?

      8 Ang pag-ibig sa kapuwa, gaya ng pag-ibig sa Diyos, ay hindi lamang basta damdamin; nagsasangkot ito ng pagkilos. Kapaki-pakinabang kung higit nating isasaalang-alang ang konteksto ng utos na nakaulat sa Levitico 19 na nagpapayo sa bayan ng Diyos na ibigin ang kanilang kapuwa gaya ng kanilang sarili. Doon ay mababasa natin na inutusan ang mga Israelita na pahintulutan ang mga napipighati at mga naninirahang dayuhan na makibahagi sa pag-aani. Ipinagbabawal ang pagnanakaw, panlilinlang, o pakikitungo nang may kabulaanan. Pagdating sa hudisyal na mga bagay, hindi dapat magtangi ang mga Israelita. Bagaman dapat nilang sawayin ang kanilang kapuwa kung kinakailangan, espesipikong iniutos sa kanila: “Huwag mong kapopootan ang iyong kapatid sa iyong puso.” Ang mga utos na ito at marami pang iba ay ibinuod sa mga salitang ito: “Iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.”​—Levitico 19:9-11, 15, 17, 18.

      9. Bakit inutusan ni Jehova ang mga Israelita na manatiling hiwalay mula sa ibang mga bansa?

      9 Bagaman inutusan ang mga Israelita na magpakita ng pag-ibig sa iba, kailangan din nilang manatiling hiwalay sa mga sumasamba sa huwad na mga diyos. Nagbabala si Jehova hinggil sa mga panganib at resulta ng masasamang kasama. Halimbawa, ganito ang iniutos ni Jehova tungkol sa mga bansang itataboy ng mga Israelita: “Huwag kang makikipag-alyansa sa kanila ukol sa pag-aasawa. Ang iyong anak na babae ay huwag mong ibibigay sa kaniyang anak na lalaki, at ang kaniyang anak na babae ay huwag mong kukunin para sa iyong anak na lalaki. Sapagkat ihihiwalay niya ang iyong anak mula sa pagsunod sa akin, at tiyak na paglilingkuran nila ang ibang mga diyos; at ang galit ni Jehova ay lalagablab nga laban sa inyo.”​—Deuteronomio 7:3, 4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share