Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Humahantong sa Kahihiyan ang Kapangahasan
    Ang Bantayan—2000 | Agosto 1
    • Si Kora​—Isang Inggiterong Rebelde

      4. (a) Sino ba si Kora, at tiyak na naging bahagi siya ng anong makasaysayang mga pangyayari? (b) Sa kaniyang huling mga taon, anong napakasamang gawa ang pinasimunuan ni Kora?

      4 Si Kora ay isang Kohatitang Levita, pinsang buo nina Moises at Aaron. Maliwanag na naging tapat siya kay Jehova sa loob ng mga dekada. Si Kora ay nagkapribilehiyo na mapabilang sa mga makahimalang nailigtas sa Dagat na Pula, at malamang na nakibahagi siya noon sa pagsasagawa sa hatol ni Jehova laban sa mga Israelitang sumasamba sa guya sa Bundok Sinai. (Exodo 32:26) Gayunman, nang dakong huli, si Kora ay naging pasimuno sa isang pag-aalsa laban kina Moises at Aaron na kinabibilangan ng mga Rubenitang sina Datan, Abiram, at On, kasama ang 250 Israelitang pinuno.a “Tama na kayo,” ang sabi nila kina Moises at Aaron, “sapagkat ang buong kapulungan ay banal na lahat at si Jehova ay nasa gitna nila. Bakit nga kayo magmamataas sa kongregasyon ni Jehova?”​—Bilang 16:1-3.

  • Humahantong sa Kahihiyan ang Kapangahasan
    Ang Bantayan—2000 | Agosto 1
    • a Yamang si Ruben ang panganay ni Jacob, maaaring ang kaniyang mga inapo na nahikayat ni Kora na magrebelde ay nagdamdam sa pagkakaroon ni Moises​—isang inapo ni Levi​—ng administratibong awtoridad sa kanila.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share