Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Kilala ni Jehova Yaong mga Nauukol sa Kaniya”
    Ang Bantayan—2014 | Hulyo 15
    • 4. Saan kumbinsido si Pablo? Ano ang sinabi niya kay Timoteo?

      4 Nakakatiyak si Pablo na nakikita ni Jehova ang pakitang-taong pagsamba. Kumbinsido rin siya na kilala ni Jehova kung sino ang mga tunay na mananamba Niya. Makikita iyon sa sinabi ni Pablo sa liham niya kay Timoteo. Matapos ilarawan ang pinsalang idinudulot ng mga apostata sa pananampalataya ng ilan, sinabi ni Pablo: “Gayunpaman, ang matatag na pundasyon ng Diyos ay nananatiling nakatayo, na taglay ang tatak na ito: ‘Kilala ni Jehova yaong mga nauukol sa kaniya,’ at: ‘Talikuran ng bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ang kalikuan.’ ”​—2 Tim. 2:18, 19.

  • “Kilala ni Jehova Yaong mga Nauukol sa Kaniya”
    Ang Bantayan—2014 | Hulyo 15
    • 6 Nang banggitin ni Pablo ang “matatag na pundasyon ng Diyos,” sinipi niya ang sinabi ni Moises tungkol kay Kora at sa mga tagasuporta nito, na nakaulat sa Bilang 16:5. Lumilitaw na tinukoy ni Pablo ang nangyari noong panahon ni Moises para ipaalala kay Timoteo na nakikita ni Jehova ang mapaghimagsik na paggawi at kaya Niya itong pigilan. Hindi nahadlangan ni Kora ang layunin ni Jehova, kaya tiyak na hindi rin ito mahahadlangan ng mga apostata sa kongregasyon. Hindi dinetalye ni Pablo kung saan lumalarawan ang “matatag na pundasyon ng Diyos.” Pero tiyak na nakatulong kay Timoteo ang sinabi niya para magtiwala ito kay Jehova.

  • “Kilala ni Jehova Yaong mga Nauukol sa Kaniya”
    Ang Bantayan—2014 | Hulyo 15
    • 8, 9. Anong aral ang matututuhan natin batay sa “tatak” sa ilustrasyon ni Pablo?

      8 Sa paglalarawang ginamit ni Pablo sa 2 Timoteo 2:19, binabanggit ang isang pundasyong may nakaukit na mensahe, na parang itinatak doon. Karaniwan na noon ang paglalagay ng inskripsiyon sa pundasyon ng gusali, maaaring para ipakita kung sino ang nagtayo nito o ang may-ari nito. Si Pablo ang unang manunulat ng Bibliya na gumamit ng ganitong ilustrasyon.a Ang tatak sa “matatag na pundasyon ng Diyos” ay may dalawang kapahayagan. Una, “Kilala ni Jehova yaong mga nauukol sa kaniya.” Ikalawa, “Talikuran ng bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ang kalikuan.” Ipinapaalala nito sa atin ang pananalita sa Bilang 16:5.​—Basahin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share