Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Matapat na Magpasakop sa Makadiyos na Awtoridad
    Ang Bantayan—2002 | Agosto 1
    • 13. (a) Bakit isang kapangahasan sa panig ng mga mapaghimagsik na maghandog ng insenso kay Jehova? (b) Paano pinakitunguhan ni Jehova ang mga mapaghimagsik?

      13 Ayon sa Kautusan ng Diyos, ang mga saserdote lamang ang makapaghahandog ng insenso. Kahit ang mismong ideya na maghahandog ng insenso kay Jehova ang isang di-saserdoteng Levita ay dapat sanang nagtulak sa mga mapaghimagsik na iyon na mag-isip. (Exodo 30:7; Bilang 4:16) Ngunit hindi man lamang natigatig si Kora at ang kaniyang mga tagapagtaguyod! Kinabukasan ay ‘tinipon niya ang buong kapulungan laban kina Moises at Aaron sa pasukan ng tolda ng kapisanan.’ Sinasabi sa atin ng ulat: “Nagsalita ngayon si Jehova kay Moises at kay Aaron, na sinasabi: ‘Humiwalay kayo mula sa gitna ng kapulungang ito, upang malipol ko sila sa isang iglap.’ ” Subalit nagsumamo sina Moises at Aaron para maligtas ang buhay ng mga taong iyon. Sumang-ayon si Jehova sa kanilang pagsusumamo. Kung tungkol kay Kora at sa kaniyang pulutong, “lumabas ang apoy mula kay Jehova at tinupok ang dalawang daan at limampung lalaking naghahandog ng insenso.”​—Bilang 16:19-22, 35.c

  • Matapat na Magpasakop sa Makadiyos na Awtoridad
    Ang Bantayan—2002 | Agosto 1
    • c Noong panahon ng mga patriyarka, bawat ulo ng pamilya ay kumakatawan sa kaniyang asawa at mga anak sa harap ng Diyos, anupat naghahandog pa nga ng mga hain alang-alang sa kanila. (Genesis 8:20; 46:1; Job 1:5) Gayunman, nang maitatag ang Kautusan, hinirang ni Jehova ang mga lalaking miyembro ng pamilya ni Aaron bilang mga saserdote na sa pamamagitan nila ay dapat ihandog ang mga hain. Maliwanag na ang 250 mapaghimagsik ay ayaw makipagtulungan sa pagbabagong ito ng pamamaraan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share