Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nakatalagang Bagay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Unang binanggit ang sagradong pagbabawal nang ibigay ang Kautusan. Sa Exodo 22:20 ay mababasa natin: “Ang maghahain sa alinmang diyos maliban lamang kay Jehova ay itatalaga sa pagkapuksa [isang anyo ng cha·ramʹ].” Ang batas na ito ay walang-pagtatanging ikinapit mismo sa mga Israelita, gaya noong magsagawa sila ng idolatriya sa Sitim, na ikinamatay ng mga 24,000 sa bansa. (Bil 25:1-9) Maaari ring sumailalim sa pagbabawal ang isa na nagtataglay ng isang bagay na nakatalaga sa pagkapuksa. Kaya naman may kinalaman sa relihiyosong mga imahen ng mga bansa ng Canaan, binabalaan ng Diyos ang mga Israelita: “Huwag kang magpapasok ng karima-rimarim na bagay [imahen] sa iyong bahay at ikaw ay maging isang bagay na nakatalaga sa pagkapuksa [cheʹrem] na tulad niyaon. Dapat kang lubos na marimarim doon at talagang kasuklaman mo iyon, sapagkat iyon ay isang bagay na nakatalaga sa pagkapuksa.”​—Deu 7:25, 26.

  • Nakatalagang Bagay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa kanluran ng Jordan, ang Jerico ang kauna-unahang lunsod na itinalaga sa pagkapuksa, anupat walang anumang itinira roon maliban sa mga metal na gagamitin sa templo. Dahil sa pananampalataya ni Rahab, siya at ang kaniyang pamilya ay hindi isinama sa pagbabawal. Bagaman mahigpit na nagbabala si Josue na posibleng maitalaga sa pagkapuksa ang buong bansa kung hindi nila susundin ang pagbabawal na iyon, kinuha pa rin ni Acan ang ilan sa ipinagbabawal na mga bagay at sa gayo’y ginawa ang kaniyang sarili na “isang bagay na nakatalaga sa pagkapuksa.” Tanging ang kamatayan niya ang nagligtas sa buong bansa mula sa gayunding pagbabawal.​—Jos 6:17-19; 7:10-15, 24-26.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share