Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Siya’y Naglaan Para sa Israel sa Sinai
    Ang Bantayan—1992 | Mayo 1
    • GUNIGUNIHIN ang milyun-milyon​—mga lalaki, babae, at mga bata​—patungo sa isang “malawak at nakasisindak na kagubatan, na may makamandag na mga ahas at mga alakdan at may tigang na lupa na walang katubig-tubig”!

      Ang mga salitang iyan ng Diyos na nasa Deuteronomio 8:15 ay tumatawag-pansin sa isang wari’y kasindak-sindak na paglalakbay na susuungin ng mga Israelita pagkalabas nila sa Ehipto at patungo na sa ilang ng Sinai. Isang mahirap na suliranin: “Sino ang maglalaan ng sapat na pagkain at tubig?

  • Siya’y Naglaan Para sa Israel sa Sinai
    Ang Bantayan—1992 | Mayo 1
    • Nang makatawid na ang mga Israelita sa Pulang Dagat, hindi nagtagal at naunawaan nila kung ano talaga ang Sinai. Hindi sila roon dumaan sa ruta sa hilaga na dinaraanan ng maraming mangangalakal kundi sila’y bumaling patungo sa dulo ng hugis trianggulong peninsula. Nang sandaling sila’y makapaglakbay na ng layong mga 80 kilometro sa ilang, lalong nadama nila ang lubhang pangangailangan nila ng tubig. Hindi naman nila mainom ang kanilang natuklasan, sapagkat iyon ay mapait at maaaring magdala ng mga sakit. “Ano ba ang ating iinumin?” Ang bulalas nila. Ang Diyos naman ay namagitan, at pinatamis ang tubig.​—Exodo 15:22-25.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share